Binay pinalagan mga pasaring ni PNoy | Bandera

Binay pinalagan mga pasaring ni PNoy

- December 04, 2015 - 08:05 PM

PINALAGAN ni Vice President Jejomar Binay ang mga patama ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati sa harap ng Pinoy community sa Roma, Italya nitong Biyernes.

Sa isang kalatas, sinabi ng spokesman ni Binay na si Rico Quicho, ang mga bagong pasaring ni Aquino sa Roma “can be interpreted as a signal to resume the demolition work on the Vice President.”

Hindi man direktang tinukoy ni Aquino sa kanyang talumpati, binakbakan nang todo-todo nito ang mga kalaban ng kanyang minamanok na si Liberal Party standard-bearer Mar Roxas sa darating na halalan sa 2016.

Isa sa mga parinig ni Aquino ay ang kampanya ng isang kandidato na “gaganda ang buhay”, na ngayon ay nahaharap sa mga corruption charges.

“Suriin po natin ang mga pagpipilian natin. Mayroon po diyan, inakusahan ng pagsasamsam ng kaban ng bayan sa pagkatagal-tagal na panahon. Kung totoo ang alegasyon at nagnanakaw nga itong taong ito, ano po kaya ang matitira para tustusan ang pagpapaganda ng buhay na ipinapangako niya?” Aquino said.

Kinasuhan si Binay ng Ombudsman ng kasong graft hinggil sa P2.28 billion Makati City Hall Building II, dahil sa overpriced umano ito.

Bukod dito, nahaharap sa apat na kasong pandarambong ang dating alkalde ng Makati sa Ombudsman kaugnay naman sa Makati Science High School Building, University of Makati,  Fort Bonifacio property, at sa umanoy maanomalyang land deal na kanyang pinasok sa pagitan ng Alphaland at Boy Scouts of the Philippines, kung saan si Binay ang nanatiling pangulo.

Pinaalalahan ni Quicho ang pangulo na nanatiling alegasyon pa lang ang mga ibinibintang kay Binay at hindi pa ito napaptunayan.

Dahil dito, binalikan ni Quicho ang bet ng LP na si Roxas na dating Transportation secretary at Interior secretary na walang nagawa sa problema ng trapiko at kriminalidad.

Binakbakan din nito ang kapalpakan ni Roxas sa malalang problema sa Metro Rail Transit (MRT-3).

“An honest appraisal of all the presidential candidates should not exclude the administration candidate. He occupied several key positions in the Cabinet for the last five years yet through his incompetence and inaction only made situations worse,” dagdag pa ni Quicho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending