Akala pasok sa condonation program | Bandera

Akala pasok sa condonation program

Liza Soriano - December 05, 2015 - 03:00 AM

DEAR Maam Liza,

Magandang araw po. Ako po ay masugid nyong tagasubaybay at nagbabakasakali din po na matulungan nyo sa akin problema sa SSS loan.

Ako po ay nakapagloan sa SSS noong Sept. 20, 1993 sa isang pabrika sa Quezon City. Halagang P10,000 po bale ang na-loan ko. Pagkaraan ng ilang buwan ay biglang lumipat ang pabrika sa Laguna, di na po ako sumama kaya di ko na nabayaran ing niloan ko. Noong year 2012 nabasa ko po na may programa ang SSS na loan condonation pumunta po ako sa SSS at na-verify ko na umabot na sa P60,959.61 ang aking utang. Nag apply po ako ng condonation ng araw dign yon at binigyan po nila ako ng computation na babayaran ko quarterly kailangan ko din po daw magbayad ng 3 buwan na contribution para makapasok sa condonation program at kailangan tuloy tuloy ang pagbabayad. At ginawa ko po ang payo nila at binalik ko po ang resibo ng binayaran ko nung araw ding iyon. Ayon sa kanila, kung sa bayad center ka nagbayad automatic ng pagpasok ang hulog ko sa kanila, nagpatuloy lang ako ng paghuhulog mula July 2012 hanggang June 2014. At nakapaghulog po ako ng P11, 200.00.

Noong sept. 19, 2015 nabasa ko sa inyong column ang problema ni Mr. Castillo naisipan ko rin po na ifollow up yung aking loan. Pumunta po ako sa SSS Makati JP Rizal at sinabi po ng taga SSS na si Mr. Careon na may utang ako na P62,235.11 pinakita ko po yung resibo ng binayaran ko at tinanong nya po kung nag fill up ako para sa condonation. Wala po akong na fill up kasi wala naman sinabi o binigay sa akin di po ba kayo ang dapat magsabi sa akin ng mga dapat kong gawin. Nabasa namin o nabalitaan namin pero ang proseso o ang dapat namin gawin ay kayo ang dapat magsabi kaya nga kayo nandyan para i-guide kami. Dalawang beses po ako nagbalik dyan bakit nauna pa nilang ibigay ang computation ng babayaran ko at yung mahalagang bagay na forn ay nakalimutan?

Nung 2012 utang ko P60,959 ngayon 2015 P62,235.11, san po napunta yung P11,000 na nabayad at lalo yata lumaki ang utang ko?

Umaasa po ako na matutulungan nyo ako sa loan ko. Maliit na halaga ang P11,000 pero dalawang taon ko po yan pinagpursigehan bayaran.

Sana po maiseminar nyo ang mga empleyado nyo lalo na po sa SSS Makati JP Rizal malapit sa PRC. Sa bawat pagkakamali po nila kami po ang higit na ntatamaan.

Maraming salamat po sa Aksyon Line at kay maam Liza, pagpalain po kayo.

Gumagalang,

Elizabeth Agoncillo

REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail hinggil sa katanungan ni G. Elizabeth Agoncillo ukol sa SSS condonation program noong 2012.

Batay sa aming rekord, hindi po kasama ang pangalan ni G. Agoncillo sa aming Loan Condonation Database. Iminumungkahi namin sa kanya na sumulat at ipadala sa Member Loans Department ang mga dokumento na magpapatunay ng kanyang aplikasyon sa condonation program noong 2012.

Susuriin po ng Member Loans Department ang kanyang mga dokumento upang malaman kung dapat siyang ikonsidera sa condonation program. Narito po ang kumpletong address ng Member Loans Department:

Member Loans Department
Social Security System
5/F, SSS Building
East Avenue, Diliman
Quezon City

Nais naming bigyang linaw na ang naibayad niya mula Hulyo 2012 hanggang Hunyo 2014 na P11,199.84 ay ibinawas na po sa kanyang utang. Subalit, nais din naming ipaliwanag na lumalaki ang kanyang utang dahil sa patuloy na nadadagdag dito ang interes at penalty.

Para sa kanyang kaalaman, ang salary loan ay pinapatawan ng 10% interes kada taon at 1% na penalty sa bawat buwan na huli sa pagbabayad ng utang. Ang interes at penalty ay ipinapataw sa utang hanggang mabayaran ito ng buo sa SSS. Ito ang dahilan kung bakit lumaki ang kanyang utang. Sa kasalukuyan, ang kabuuang obligasyon na dapat niyang bayaran ay P62,674.96.

Nawa’y nabigyan namin ng linaw ang bagay na ito.
Salamat po.
Sumasainyo,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MAY ROSE DL.
FRANCISCO
Social Security Officer IV
Media Monitoring and
Feedback
Media Affairs Department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending