Young Actor dinuru-duro, hinaras daw ni Bret Jackson dahil kay Ella
ANO bang mayroon sa Valkyrie Club Palace sa The Fort at palagi na lang may nangyayaring gulo involving celebrities. Sa tuwing may nababalitaang iskandalo na sangkot ang mga artista ay nangyayari sa loob ng nasabing club.
Nakarating sa amin kahapon na may eksena raw na naganap sa pagitan ng dalawang young actor doon.
Kuwento ng aming source, “Dinuro-duro ni Bret (Jakcson) si Shaun (Salvador) sa dressing room noong TV5 trade launch. Galit na galit si Bret.”
Nagulat daw ang mga kasama ni Shaun sa loob ng dressing room sa pagpasok ni Bret habang ginaganap ang trade launch ng TV5 noong Miyerkules ng gabi sa nasabing venue. Sigaw daw ni Bret kay Shaun na may kasamang duro, “So, you’re the one.”
Kasama ni Shaun sa dressing room ang ibang cast at staff ng #ParangNormalActivity kaya’t hindi raw ito maitatanggi ni Bret. Hindi raw nakitaan ng pagkatakot si Shaun dahil inabot niya ang kamay niya kay Bret para ipakilala ang sarili pero tinitigan lang daw siya ng tisoy na aktor at sabay layas ng dressing room.
Hindi siguro inaasahan ni Bret na hindi siya papatulan ni Shaun at wala siyang dahilan para kantiin ang batang aktor. At pinag-ugatan daw ng galit ni Bret ay si Ella Cruz na ka-loveteam ni Shaun sa #ParangNormalActivity.
“E kasi nga di ba, nanliligaw o dyowa na ni Bret si Ella, baka naman kasi itong si babae, e, may sinasabi tungkol kay Shaun, alam mo na, baka pinapaselos ni Ella si Bret,” sabi sa amin.
Susme, alam ba ni Bret na hindi type ni Shaun si Ella? Nasulat na namin ito dahil nu’ng huling interbyu namin kay Shaun sa taping ng Halloween episode ng #ParangNormalActivity ay tinanong namin kung type niya si Ella at diretso niyang sinabing, “Hindi po, friends lang.”
Kaya ano ang dapat ika-insecure ni Bret kay Shaun? O, baka naman itong si Ella ay may ibang kuwento rin kay Bret kaya nag-init ang ulo ng tisoy na aktor?
Kung kami kay Bret, unahin muna niya ang career bago ang babae dahil hindi ito makakatulong sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.