James Yap kay Bimby: Anak, ang love ko sa ‘yo ay di kayang alisin ng kahit ninuman!
MATAPOS ibandera sa publiko ang mga pagkukulang ni James Yap kay Bimby, bigla na namang kumambiyo si Kris Aquino nang sumulpot ang PBA player sa first Communion ng kanilang anak.
Kung matatandaan nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng kanyang mga reklamo tungkol sa pagiging tatay ni James kay Bimby, partikular na tinukoy nito ang hindi pagsagot ng dating mister sa kanyang imbitasyon para sa mahalagang event sa buhay ng kanilang anak.
Kahapon, sa kanyang IG account pa rin, nagpasalamat si Kris sa pagpunta ni James sa First Holy Communion ni Bimby. Isang picture ang ipinost ng TV host-actress kung saan makikitang magkatabi sila ni James at Vice Ganda na may caption na: “For the LOVE of Bimb. Thank you James & thank you @praybeytbenjamin. Congratulations Bimb! You are LOVED!”
Natuwa naman ang mga followers at tagasuporta nina Kris at James sa muling pakikita ng dalawa. Meron pa ngang nagkomento na sana’y magbalikan na lang sila dahil feeling nito ay sila talaga ang itinadhana.
Samantala, nag-post din ng litrato sa kanyang Instagram account si James na kuha rin sa First Communion ni Bimby na may caption na: “Bimb, congratulations on your First Holy Communion.
Palagi mong gawing gabay si God hanggang sa paglaki mo. I love you so much my son at ang love ko sayo ay ang isang bagay na ‘di kayang alisin (ng) nino man sa akin. God bless you anak at napakaligaya ni Papa na nagkasama tayo muli!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.