Charo, Piolo agaw-eksena sa Emmy Awards | Bandera

Charo, Piolo agaw-eksena sa Emmy Awards

Ervin Santiago - November 26, 2015 - 02:00 AM

charo santos

IPINAGMALAKI ni ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng paggawa ng mga de-kalibreng programa sa telebisyon sa ginanap na 43rd International Emmy Awards sa New York kung saan siya ang napiling kauna-unahang Filipino Gala Chair.

Sa kanyang talumpati sa harap ng pinakamahuhusay na TV producers, creatives, at ta-lents sa mundo, sinabi ni Charo na marami na sa mga programa ng ABS-CBN ang napapanood sa iba’t ibang bansa, patunay sa kasalukuyang “glo-balized environment” ng broadcasting industry.

“Kami ay nagpapasalamat dahil sa pamamagitan ng aming mga programa, naipapakita namin sa mundo ang tunay na yaman ng aming bansa. Iyon ay ang pagpapahalaga sa pamilya at tatag bilang mga mamamayan,” pahayag ni Charo Santos.

Binigyang-diin niya rin ang papel ng telebisyon ngayon sa mga manonood. Isa na rito ang pagsisilbing tulay para mas lalong maunawaan ng isa’t isa ang nararamdaman at pinagdaraanan ng bawat lahi sa kani-kanilang mga bansa.

“Kapag sila ay ating lubusang nakikilala, mas madali sa atin ang magmalasakit sa kanila. Mas may pakialam tayo sa kwento ng kanilang mga puso, pag-abot ng pangarap, paghingi ng katarungan, pagdiriwang ng tagumpay, at iba pang laban ng buhay.

Mas kakaunti ang away at hindi pagkakaunawaan kung mas may malasakit tayo sa isa’t isa,” paliwanag pa niya. Ayon pa sa presidente ng ABS-CBN, hinihimok rin ng telebisyon ang bawat isa na magkaisa sa kabila ng mga pagkakaiba lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan kaliwa’t kanan ang banta ng terorismo.

“Sa panahon ng takot, tayo ay nagkakaisa sa pagdarasal. Kaya naman ang buong mundo ay nai-inspire na magtulungan at magkapit-bisig,” sabi niya. Bukod kay Charo Santos, umeksena rin ang aktor na si Piolo Pascual bilang presenter ng Best Telenovela category kasama si Karla Mosley ng “The Bold and the Beautiful.”

Bago ang awards proper, rumampa muna ang dalawa sa red carpet at nagpa-interview sa international press. Elegante ang suot na terno ng Maalaala Mo Kaya host na gawa ni Cary Santiago, habang si Piolo naman ay pang-international star ang suot ng suit.

Ang pagiging bahagi ng dalawa sa Emmy Awards ay maituturing na milestone sa Philippine broadcasting history. Isa itong pagkilala sa kung paano kayang lumebel ng Filipino content sa global standards.

Ilang beses na ring nakasungkit ng nominasyon ang mga programa at personalidad ng ABS-CBN sa International Emmys, kabilang na ang MMK (Best Drama Series, 2013), Jane Oineza for MMK (Best Actress, 2013), Precious Hearts Romances Presents Impostor (Best Telenovela, 2011), Dahil May Isang Ikaw (Best Telenovela, 2010), Sid Lucero for Dahil May Isang Ikaw (Best Actor, 2010), Kahit Isang Saglit (Best Telenovela, 2009), and Angel Locsin for Lobo (Best Actress, 2009).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending