SC pinalawig pa hanggang Pebrero 2016 ang TRO sa pagdinig sa plunder ni GMA | Bandera

SC pinalawig pa hanggang Pebrero 2016 ang TRO sa pagdinig sa plunder ni GMA

- November 24, 2015 - 03:58 PM

President Gloria Arroyo

President Gloria Arroyo


PINALAWIG pa ng Korte Suprema ang ipinalabas nitong status quo ante order (SQAO) sa Sandiganbayan na nagpapatigil sa pagdinig sa plunder laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng umano’y P366-milyong anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pinalawig ang SQAO hanggang Pebrero 19, 2016.

“The Court issued a SQAO for 90 days or until February 19, 2016 directing the parties to observe the status quo prevailing before the issuance of the assailed orders of the Sandiganbayan dated April 6, 2015,” sabi ni high court Information Chief Theodore Te.

Ipinalabas ng Kataastaasang Hukuman ang kautusan matapos maghain si Arroyo ng 115-pahinang petisyon na humihiling sa Korte Suprema na baligtarin ang pinal na kautusan ng Sandiganbayan First Division noong Pebrero na nagbabasura sa kanyang mosyon para siya makapagpiyansa.

Si Arroyo, 68, ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending