UST Tigers umusad sa UAAP Finals
Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
3 p.m. UST vs FEU
(Game 1, best-of-3 Finals)
PINATUNAYAN ng University of Santo Tomas Growling Tigers na tunay silang championship contender matapos nilang agad dispatsahin ang National University Bulldogs, 64-55, sa kanilang UAAP Season 78 Final Four men’s basketball game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Ang panalo ang sumelyo sa kanilang salpukan sa kampeonato ng UST at Far Eastern University, na nakuha ang unang Finals berth noong Sabado matapos maungusan ang Ateneo de Manila University Blue Eagles, 76-74, mula sa buzzer-beating followup shot ni Mac Belo.
Ang Game One ng best-of-three championship series ay gaganapin sa Miyerkules dakong alas-3:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tulad ng kanilang ginawa ngayong season, hindi lang ang mga beteranong sina Ferrer at Karim Abdul ang nagtrabaho sa kanilang semifinal game kung saan nagawa ng Tigers na magtayo ng double-digit na kalamangan sa pagbubukas ng unang yugto, 15-2, bago pinalobo ito sa 16 puntos, 48-32.
Si Louie Vigil ang nagpasimuno sa ratsada ng Tigers at nagtapos siya na may 19 puntos, 11 rebounds at pitong assists. Si Ferrer ay nagdagdag ng 11 puntos at pitong rebounds.
Gumawa naman si Paolo Javelona ng 17 puntos para pamunuan ang Bulldogs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.