Ser Chief handa nang makipagbakbakan kina Albert at Coco | Bandera

Ser Chief handa nang makipagbakbakan kina Albert at Coco

Ervin Santiago |November 23,2015
facebook
share this

Ser Chief handa nang makipagbakbakan kina Albert at Coco

Ervin Santiago - November 23, 2015 - 02:00 AM

richard yap

TALAGA palang kinarir ni Richard Yap o mas kilala pa rin ngayon bilang si Ser Chief, ang pagiging action star at kontrabida sa Primetime Bida series na Ang Probinsiyano.

Simula ngayong linggo, mapapanood na ang karakter ni Richard sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang leader ng sindikato na sangkot sa malawakang human trafficking sa Pilipinas.

Ayon kay Ser Chief, talagang pinangatawanan na niya ang pagte-training dahil alam niyang mapapasabak siya sa maaaksiyong eksena sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ilan sa mga ginawang paghahanda ni Richard ay ang panonood sa mga action films na may konek sa mga sindikato. “Pinapanood ko nga ‘yung mga anti-heroes, ‘yung ibang mga kontrabida.

Naghahanap ako ng mga something to peg my character on. Ang nakita kong character na ganon is more on si Jet Li sa ‘Lethal Weapon’. Somebody who’s very cool pero very lethal,” anang aktor.

Ang karakter niyang si Philip Tang ay magkakaroon din ng kuneksiyon sa sindikato ni Albert Martinez na gumaganap naman bilang si Tomas. Natutuwa rin daw si Richard sa mga fans nila ni Jodi Sta. Maria dahil na-ngako ang mga ito na susuportahan pa rin siya kahit kanya-kanya na sila ngayon ng proyekto ng dati niyang ka-loveteam sa Be Careful With My Heart.

“Ang sabi naman nila, they also look forward to seeing me in a different kind of role. Siguro out of a hundred comments, isa o dalawa lang ang kumontra so mostly, po-sitive naman na at least, something different,” sabi pa ni Ser Chief.

Looking forward din siya sa maaaksiyong eksena nila ni Coco sa serye, “Siyempre nasa sindikato kami, si Coco nasa police force, I’m sure there will come a time na magka-kabanggaan din kami.”

Dugtong pa nito, “Actually hindi ko naman kailangan ng rigid training because I have a background in…nag-Taekwondo ako, nag-Aikido, nag-Chinese Kung Fu ako noong bata pa ako.

And then, I’m also a shooter so I know how to handle guns. Ano rin, archery. I was an archer…so may alam ako sa mga weapons.”  Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsiyano gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN after TV Patrol.

Kasama pa rin dito sina Susan Roces, Bela Padilla, Maja Salvador, Jaime Fabregas at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending