In love sa ka-eskuwela | Bandera

In love sa ka-eskuwela

Joseph Greenfield - November 23, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Liezel ng Don Basco Road, Labagon, Cebu City
Dear Sir Greenfield,

May ka-classmate ako na tawagin na lang nating Aldryn na laging nakatingin sa akin. Hindi ko siya masyadong kakilala kaya hindi kami magka-close, pero simula ng first day of classes pa lang pansin kong lagi na siyang nakatitig sa akin at kapag nagtatama ang aming mata, mabilis nya iyong bi-nabawi para huwag kong mahalata na tingin siya ng tingin sa akin. Sa ngayon parang nagkakagusto na ako sa kanya. Ang problema ay hindi naman niya ako kinakausap, silent type kasi siya at mahiyain, pero matalino. Ano ba ang dapat kong gawin, para kausapin nya na ako hindi iyong puro tingin lang siya ng tingin. May possibility kaya na maging boyfriend ko siya, kasi habang tumatagal parang feeling ko sa katititig niya sa akin ay parang na i-in love na rin ako sa kanya. January 10, 1996 ang birthday ko at September 7, 1996 naman ang birthday ni
Aldryn.
Umaasa,
Liezel ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May umusbong na isang Guhit ng Pag-ibig at naging Guhit na rin ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa i-yong palad. Tanda na malaki ang posibilidad na sa malapit na hinaharap, sa next year, hindi inaasahan may isang maalab at mainit na relasyon kusang mabubuo.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Two of Hearts, at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Pebrero, habang palapit ng palapit ang Araw ng mga Puso, may isang wagas at matimyas na relasyon mananaig.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending