Ang kasalukuyan bang BF ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang kasalukuyan bang BF ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield |November 22,2015
facebook
share this

Ang kasalukuyan bang BF ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - November 22, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Maricar ng San Isidro, Matalom, Leyte
Problema:

1. Maraming beses na akong nabigo sa pag-ibig at sa ngayon sa edad kong 32, may boyfriend ako at dahil nasa tamang edad na ako gusto ko na sanang makapag-asawa. August 25, 1983 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay January 11, 1989 ang birthday. Gusto ko lang sanang malaman kung compatible ba kami?

2. At kung kami na ba ang magkakatuluyan, ayaw ko na kasing matulad siya sa mga dating naging boyfriend ko na bigla na lang nawawala. Siya na po ba ang mapapangasawa ko at kapag kami ang nagkatuluyan, habang buhay na ba akong liligaya sa piling nya?
Umaasa,
Maricar ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Capricorn naman ang boyfriend mo, ang nagsasabing compatible kayo, dahil ang Virgo at Capricorn ay may iisang elementong tinataglay ang element earth o lupa. Ibig sabihin kapag kayo ay nagsama at nagkatuluyan siguradong magiging maunlad at maligaya ang itatayo ninyong pamilya.
Numerology:
Compatible din ang birth date mong 25 sa birth date na 11 ng boyfriend mo dahil ang 25 at 11 ay kapwa pinaghaharian ng planetang Neptune at Moon. Ibig sabihin, magiging romantiko at masarap ang inyong relasyon at tulad ng nasabi na, ang relasyon pagsasaluhan ay tinatayang magiging pang matagalan at pang-habang buhay na.
Luscher Color Test:
Kapwa naman kayo mapalad sa kulay na berde at dilaw. Ito ang gamitin nyong kulay sa araw ng inyong kasal, upang tiyak ang isang masagana at maligayang pagmamahalan habang buhay.
Huling payo at paalala:
Maricar ayon sa iyong kapalaran, kung nabigo ka sa mga nagdaang pag-ibig, kung baga sa kalangitan, sa pagpasok ng taong 2016 sa edad mong 32 pataas, tuluyan ng mapapawi ang ulap at aaliwalas ang langit – sa nasabing panahon ng iyong buhay, lilipas ang isang taon pa, sa 2017 sa edad mong 33 pataas, tiyak ang magaganap, mapapangasawa mo na ang kasalukuyan mong boyfriend at ang nasabing pag-aasawa ay tuluyan na ring hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending