Kumportable ako sa katawan ko kahit walang masyadong Abs! – John Lloyd | Bandera

Kumportable ako sa katawan ko kahit walang masyadong Abs! – John Lloyd

Alex Brosas |November 22,2015
facebook
share this

Kumportable ako sa katawan ko kahit walang masyadong Abs! – John Lloyd

Alex Brosas - November 22, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

Ayaw aminin ni John Lloyd Cruz kung nagpakita siya ng skin sa latest movie nila ni Bea Alonzo, ang “A Second Chance”. “Hindi naman kasi ako…kumbaga, komportable ako sa katawan ko, eh.

Kapag katawan dapat kailangang laging perfect, dapat may abs. Ako representative talaga ako ng mga lalaki na (walang abs). Marami, marami talaga akong supporters dito,” say ng binata.

Obviously, the movie is about second chances kaya naman natanong si John Lloyd kung ilang beses na siyang nasawi at kung ilang beses na siyang nabigyan o nagbigay ng second chance.

“Mas masarap kung ikaw ang nagbibigay. Mas gusto ko nang ako ‘yung iintindi kaysa ako ‘yung iniintindi. May mga ilan na rin (kasawian) so sa mga ibang pagkakataon mas masarap magbigay pero sa ibang pagkakataon parang mas gusto mo na maintindihan ka.

“Siguro depende rin. Lagi namang depende, depende sa sitwasyon pero isang bagay lang ang magre-reflect – na baka bumalik ka doon. Kasi parang sini-symbolize niya or parang pinapakita niya na ikaw ba ‘yung mas nagmamahal o ikaw ‘yung mas minamahal.

“Hindi mo masabi, eh, and it makes it exciting. Masarap ang pakiramdam ng pag-ibig minsan. Ang sarap na pinaglalaruan ka ng pag-ibig. Napakalaki ng pag-ibig para kayanin mo siyang paglaruan.

So kapag pinaglaruan ka niya igalaw mo lang,” he further said. Meanwhile, ipinagdiinan naman ni Lloydie na wala pa talaga silang balak magpakasal ni Angelica Panganiban.

Enjoy lang daw silang dalawa ngayon bilang couple at wala naman daw siyang nararamdamang pressure kahit na palagi na lang siyang tinatanong tungkol sa pagpapakasal.

Talagang wala pa raw sa priorities nila ni Angelica ang bumuo ng sariling pamilya. Wait na lang daw sila sa perfect time kung kailan magaganap ang wedding.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending