Horoscope, November 22, 2015 | Bandera

Horoscope, November 22, 2015

Madam Sophia |November 22,2015
facebook
share this

Horoscope, November 22, 2015

Madam Sophia - November 22, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi matatapos ang araw, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa kasuyong ma-pera! Mapalad ang 7, 11, 20, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Yellow at maroon ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa sandaling nakahawak ng malaking halaga ng salapi, bayaran na agad ang mga pagkakautang. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon lalo namang iinit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 27, 39, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Blue at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Tandaang sinop-sinop lang ng kabuhayan ang pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa mapapahinuhod mo rin sa iyong kagustuhan ang kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om.” Green at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Maiinis ka na naman, habang hindi umaayon sa gusto mo ang mga pangyayari! Hindi ka dapat magpaapekto, ituloy lang ang ginagawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag pakialaman ang trip ng kasuyo, upang wag kayong mag-away. Mapalad ang 7, 18, 21, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Aum.” Pink at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Sa pinansyal, habang tinutulungan ka ng iba, lalo kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, bigyan ng pabor ang kasuyong Capricorn. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Dominum-Miraculum-Om.” Blue at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Panahon na upang gapiin ang takot at alinlangan, upang umunlad, sugod lang ng sugod ang kailagan! Sa pag-ibig, ang pangamba ay nasa isip lang – tuloy ang lihim na pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yohana-Govinda-Om.” Red at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Sa pinansyal, kahit na may pagkakuripot, nakapagtatakang dating pa rin ng dating sa iyo ang suwerte. Ganyan talaga ang madasalin. Ipagpatuloy ang paghingi ng awa kay Lord upang lalo ka pang pagpalain. Mapalad ang 7, 17, 26, 39, 40 at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Dosya-Aum-Thona.” Lilac at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Hindi na maibabalik ang nakaraan, makuntento sa kasalukuyan. Wag mabuhay sa panghihinayang. Sa pag-ibig, pagtiyagaang mahalin ang kasuyong pangit. Sa pinansyal, matutong mag-ipon para hindi na uli kapusin. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Darshana-Om-Jehana.” Green at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagiging makunat ang sekreto ng pagyaman, kundi ang pagiging mabait! Sa pag-ibig, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tangi nilang maaasahan. Mapalad ang 4, 16, 22, 36, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Gold at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Katulad ng ulan, bubuhos ang maraming suwerte! Pero hindi ka dapat matuwa, dahil tulad ng baha, mabilis ding huhupa ang magandang kapalaran. Matuto kang magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 8, 19, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Piliin na lang mabuti ang mga papautangin, upang hindi ka masuba. Ganoon talaga ang buhay sa ngayon, nagkalat ang mga balasubas. Sa pag-ibig, sa isang Cancer muling titibok ang puso. Mapalad ang 2, 7, 16, 20, 29 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Avidya-Om.” Orange at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Iwasang makipagtalo! Sa sandaling nasuong ka sa isang diskusyon, masisira lang ang araw mo. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagiging mahinahon upang lalo pang mag-init ang relasyon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – May paglalakbay na darating! Sunggaban mo agad upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, tiisin ang pansamantalang paglayo sa pamilya, kaysa naman nandito ka lang pero patuloy kayong naghihirap. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 30 at 46. Mahiwaga mong mantra: Aum-Shadja-Om-Dhaivata.” Orange at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending