John Lloyd: Masarap din yung paglaruan ka ng pag-ibig! | Bandera

John Lloyd: Masarap din yung paglaruan ka ng pag-ibig!

Ambet Nabus |November 22,2015
facebook
share this

John Lloyd: Masarap din yung paglaruan ka ng pag-ibig!

Ambet Nabus - November 22, 2015 - 02:00 AM

bea alonzo

Ang sarap-sarap pakinggan ng paliwanag ni John Lloyd Cruz hinggil sa mga isyu ng pag-ibig, partikular sa pagbibigay ng “second chances.” Kitang-kita dito ang pagkakaroon ng maturity at mas pagiging komportable niya sa mga usaping pag-ibig at romansa.

Aniya, mas masarap daw na ikaw ang napaglalaruan ng pag-ibig, pero siyempre mas type niyang siya ang nagbibigay kesa tumatanggap ng pagmamahal. Sa sequel ng “One More Chance” nila ni Bea Alonzo, ang “A Second Chance”, kakaibang Basha at Popoy ang mapapanood ng sambayan.

Walong taon na ang lumipas after the said “chance” movie kaya’t this time daw ay umaasa silang makakasabay ang mga fans nina Popoy at Basha sa journey of love nila.

At sa gitna ng mga pang-uurirat kung never nga raw ba talaga na naging sila ni Bea, ang usual ang sagot ng loveteam, “Wala talaga eh. Hindi talaga kami pang-real life.”

Showing na ngayong Nov. 25 ang “A Second Chance” at inaasahang magiging big hit uli ito tulad ng part one.

Noong maka-one-on-one namin si Bea sa launch ng FUJI Cameras, sinabi niyang siya yung tipo ng tao na kapag nasisiyahan ay nagbabahagi ng magagandang moments sa kanyang followers.

Kasama na rito ang love niya for travel lalo pa’t kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Through her social media nga kaya nadiskubre ng owners ng FUJI Cameras ang passion na ito ni Bea.

“That’s the power of social media. Nag-eenjoy ka and at the same time ay may ganitong klase ka ng influence,” sey ni Bea. Ang totoo niyan ay gamit na gamit ni Bea ang kanyang FUJI camera kahit sa shoot nila ng “A Second Chance” dahil marami raw talagang magagandang moments na gusto niyang i-share sa kanyang followers sa Instagram.

“One can easily know dahil sa mga kuha ko makikita at mararamdaman ang level ng love ko,” sabi pa ng paborito naming aktres na umaming very much attached and involved pa rin sa real-life BF niyang si Zanjoe Marudo.

When we then asked her kung ipapanood niya kay Zanjoe ang “A Second Chance” nila ni Lloydie lalo pa’t usap-usapan ang pagiging sexy and bold nito dahil nga married na sila ni Bea sa kuwento, “Napanood daw niya yung una at nag-enjoy siya. I’m sure, he will have the same feelings dito sa part 2, so kering-keri lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending