Vice lumala ang sakit kaya laging absent sa Showtime | Bandera

Vice lumala ang sakit kaya laging absent sa Showtime

Ervin Santiago |November 22,2015
facebook
share this

Vice lumala ang sakit kaya laging absent sa Showtime

Ervin Santiago - November 22, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

NAGKASAKIT si Vice Ganda kaya palagi siyang absent sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime. At hindi totoong mawawala na siya sa programa tulad ng napapabalita.

Napag-alaman namin na na-diagnose si Vice ng sakit na gastritis. Nakaramdam ang TV host-comedian ng matinding sakit sa tiyan kamakailan noong nasa Angeles, Pampanga siya para sa isang concert.

“Isang buong linggo, masakit ’yung tiyan ko. Kasi meron akong pang-maintain ng gamot para sa acid reflux ko. Kapag umiinom ako ng gamot, nababawasan lang pero hindi natatanggal ’yung sakit totally for the entire week.

Tapos nag-concert ako sa Angeles last Saturday, nag-pause talaga ako kasi ang sakit-sakit ng tiyan ko,” aniya sa isang panayam. Dagdag ni Vice, “The following day, hindi na ako pinayagan ng ate ko na hindi magpaospital.

Nu’ng nagpa-checkup, pina-admit na para ma-test.” Noong una ay acid reflux lang daw ang sakit niya ngunit dahil sa pagpapabaya niya ay nauwi na ito sa gastritis. “Ngayon gastritis na.

Ibig sabihin hindi ka kumakain sa tamang oras. May artista bang kumakain sa tamang oras? May nagsu-supply sa akin ng pagkain tapos ’yung gamot ko mas strict na yung pag-take ko.

Kasi minsan nadededma ko din,” chika pa ng Showtime host. Samantala, dahil nga sa sobrang pagtatrabaho ay nakakalimutan na ni Vice kumain sa tamang oras pero aniya, masaya pa rin naman siya sa ginagawa niya.

Lalo na ngayong halos araw-araw na rin ang shooting nila ni Coco Martin para sa kanilang 2015 MMFF entry na “Beauty and the Bestie” kasama rin sina James Reid at Nadine Lustre.

Kuwento ni Vice, malaki ang ibinigay na tiwala sa kanya ni Coco para sa pelikulang ito dahil nga mas kilala ang Teleserye King sa pagdadrama, at ito ang kauna-unahan niyang comedy film, “Sobrang trust niya sa akin.

Siya binibigay din niya lahat ng nire-request. Go lang talaga siya,” ani Vice. Tungkol naman sa tambalang JaDine, “Nakakatuwa sila. May mga eksenang napapagalitan kami ni direk kasi kinikilig ako sa kanilang dalawa.

Tapos nagbabatuhan sila ng pick-up lines. Dapat masungit ako kay James pero napapatawa ako kasi kinikilig ako sa kanilang dalawa,” chika pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending