Iñigo damay na rin sa isyu ng kabadingan | Bandera

Iñigo damay na rin sa isyu ng kabadingan

Cristy Fermin |November 22,2015
facebook
share this

Iñigo damay na rin sa isyu ng kabadingan

Cristy Fermin - November 22, 2015 - 02:00 AM

inigo pascual

Nakakaawa naman si Inigo Pascual, hindi pa man ay nagamit na agad ang binata sa isang malaking kalokohang isyung nagsasangkot sa matagal nang kinukuwestiyong seksuwalidad ng kanyang ama, iginawa siya ng kuwento na malayo naman sa katotohanan.

Hindi pa man halos nakakaalagwa si Inigo ay inusog na agad ang kanyang pangarap, nu’n pa man daw ay alam na niyang becki ang kanyang amang si Piolo Pascual, nagkaroon na raw sila ng pagkakaintindihan.

Huwag na si Piolo, sanay na sanay na ang aktor sa pangangalampag ng marami sa kanyang kasarian, pero sana naman ay isinalba ng kalokohang ‘yun si Inigo na wala namang kamalay-malay sa isyu.

Ayon sa isang nakakuwentuhan namin, dapat daw ay pinaghandaan na ni Piolo ang mga ganitong senaryo, sana raw ay inabisuhan na nito ang kanyang anak na baka isang araw ay magamit si Inigo sa mga isyung ikagugulantang ng binata.

“Since talaga namang ayaw siyang tantanan ng issue about his sexuality, he should have warned his son na rin sana. “Para hindi na magulat ang bata, baka kasi makaapekto sa career niya ang ayaw bitiwang story about his dad.

“Ilang taon na bang puro gay issue ang ibinabato kay Piolo, pero nandiyan pa rin naman siya hanggang ngayon, immune na ang mga kababayan natin sa ganu’ng kuwento!” komento pa ng kaibigan naming propesor.

Okey!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending