Erich maligaya sa kandungan ni Daniel, kasal na lang ang kulang | Bandera

Erich maligaya sa kandungan ni Daniel, kasal na lang ang kulang

Ervin Santiago |November 22,2015
facebook
share this

Erich maligaya sa kandungan ni Daniel, kasal na lang ang kulang

Ervin Santiago - November 22, 2015 - 02:00 AM

erich gonzales

KITANG-KITA sa tinginan at galaw ng magdyowang Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na super in love sila sa isa’t isa at feeling namin kasal na lang talaga ang kulang sa kanilang relasyon.

Napanood namin ang guesting nila sa nakaraang episode ng Kris TV na kinunan sa restaurant na pag-aari ni Daniel at ng ilan niyang business partners. Dito, ipinakita ng dalawang Kapamilya stars kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Naitanong ni Kris kung nag-aaway din ba sila at kung paano nila inaayos kapag nagkakaproblema sila? “Nagpo-pause muna kami, stop, then okay na lahat. At saka nandito kami sa point na kapag may maliit na bagay, eh hindi na namin palalakihin.

Parang okay na, stop na right there,” sagot ni Erich. Sey naman ni Daniel, pareho silang nag-e-effort na makausap ang isa’t isa kapag mero silang hindi pagkakaunawaan. “If we have any problem with each other, I think the best way of fixing things is through talking, through conversation,” pahayag ng Brazilian-Japanese model-actor.

Magkakasama sina Daniel at Erich sa bagong serye ng ABS-CBN na Be My Lady, at inamin nga ng aktres na nadalawang-idip siyang gawin ang nasabing proyekto. “Parang ako sabi ko, ’Paano na kaya ito?

Magkasama kami every day.’ Saka ako, kapag trabaho iba ako. Kapag trabaho, trabaho. Baka ito (Daniel) personal sa amin, pero kapag work, paano kaya? But surprisingly, okay naman at work. We help each other at work.”

Ipinagdiinan pa ni Erich na maligayang-maligaya sila ni Daniel sa piling ng isa’t isa, “’Yung joy hindi ko ma-explain…it’s happiness from within.” Siyempre, makakaligtas ba kay Kris ang suot na kuwintas ng dalaga na may heart-shape pendant.

Ayon kay Erich birthday gift ito sa kanya ni Daniel noong Sept. 20, “My heart and her heart para connected,” ang singit ni Daniel. Bukod pala sa nasabing kuwintas, binigyan din ni Daniel si Erich ng black dress at red stilettos.

“Bale 19th ‘yung dinner tapos nagsalubong na lang sa restaurant sa Makati and then after that the next day na hindi ko alam na may surprise siya tapos bumisita muna ako sa mga lolo, sa mga lola tapos after no’n may work siya Ate Kris sabi ko ‘Okay wala baka mamaya pa’ and then meron dress and shoes sa room ko and then tumawag siya,” kuwento ng Kapamilya leading lady.

Ang paliwanag ni Daniel kung bakit ibinigay niya ang mga ‘yun sa kanyang girlfriend, “Match kasi with mine, kasi jacket na parang maroon (yung sa akin).” Hirit naman ni Erich, “Sabi niya lang kung nakita ko na ‘yung dress at shoes kasi merong special dinner just the two of us and then ‘yun nag dinner kami.

“Naka-dress ako, ‘di ba, sleeveless siya so ginaw na ginaw naman ako sabi ko, ‘Pwedeng pahiram ng jacket mo?’ sabi niya ‘But before that may tatanggalin lang ako sa jacket ko.’ Tapos ibinigay niya,” dagdag ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending