Kathryn, Daniel nagkabaligtad ng kapalaran sa Pangako Sa ‘Yo | Bandera

Kathryn, Daniel nagkabaligtad ng kapalaran sa Pangako Sa ‘Yo

Ervin Santiago - November 20, 2015 - 03:00 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

IPINASILIP na ang bagong mundo ni Yna (Kathryn Bernardo) sa top-rating teleserye na Pangako Sa ‘Yo tampok ang pagbabalik niya sa bansa matapos ang dalawang taong pag-aaral sa isang culinary school sa US.

Ngayong linggo, mas makikilala pa ang bagong Yna at ang kanyang bagong buhay sa Pilipinas, na kabaligtaran naman ng sinapit ni Angelo (Daniel Padilla).

Kasabay ng pangako sa sarili na kakalimutan na si Yna, desidido rin si Angelo na bumangon sa buhay para na maitaguyod nang mag-isa ang kapatid na si Lia (Andrea Brillantes).

Simple man ang trabaho ngayon sa isang panaderya, puno ng pag-asa si Angelo na muling guminhawa ang kanilang buhay katuwang sina Tatay Greggy (Tirso Cruz III), Monay (Mickey Ferriols), at Kabayan (Bayani Agabayani) na nagsisilbing bago niyang pamilya.

Kaabang-abang din kung saan uuwi ang aso’t pusang awayan nina Angelo at ng kapitbahay niyang si Ligaya (Sue Ramirez) na naging malapit sa isa’t isa sa kabila ng kanilang madalas na pagtatalo.

Muli kayang magkrus ang landas nina Yna at Angelo pagkatapos ng dalawang taon? Tuluyan na kayang makalimutan ni Angelo si Yna para buksan ang kanyang puso sa iba? At mauwi naman kaya sa totohanan ang awayan nina Angelo at Ligaya?

Bilang patuloy na pasasalamat naman sa suporta ng fans ng serye ay handog ulit nito ang isang Thanksgiving Day tampok sina Kathryn, Daniel, at ang buong cast ng Pangako Sa ‘Yo na gaganapin sa Fairview Terraces Mall sa Nob. 29 (Linggo), 5 p.m..

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino, Pangako Sa ‘Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending