Pagseselos ni Maine sa Russian model epektib; Alden may ‘promise’ kay Yaya | Bandera

Pagseselos ni Maine sa Russian model epektib; Alden may ‘promise’ kay Yaya

Cristy Fermin - November 20, 2015 - 03:00 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

SOBRANG kilig na naman ang umariba sa mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza nang magselos si Yaya Dub sa Russian model na si Cindy.

Naghampasan na naman ang magkakatabing nanonood ng kalyeserye nang sabihin ni Yaya Dub na baka raw kasi siya ipagpalit ni Alden sa Russian model dahil maganda ito, makinis at matangkad pa.

Natural, umiling-iling ang guwapong binata, kasabay ang pagsasabing nakatuon lang ang kanyang atensiyon kay Maine. Aysus, sangkatutak na text messages na kaagad ang tinanggap namin nang dahil du’n.

Nang sitahin ni Maine si Alden na bakit daw hindi agad inalis ng binata ang kanyang kamay nang mag-holding hands sila ni Cindy, ‘yun na, nagpalakpakan at kinilig na nang todo ang AlDub Nation.

Hindi pa rin tapos ang makasaysayang kuwento ng kalyeserye, napakarami pang twist na mangyayari sa kuwento ng pagmamahalan ng AlDub, hindi kinakapos ng katas ng mga ideya ang utak ng mga writers ng Eat Bulaga.

Nag-iimbita pa rin ng kilig ang mga eksena, nagmimistulang sorpresa ang pagpasok sa kuwento ng magagaling at sikat na artistang tulad nina Ms. Gloria Romero at Ai Ai delas Alas, kaya saan ka pa?

Hanggang ngayon ay nagpapakalat pa rin ng epidemya ang AlDub. Willing victims pa rin ang ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending