Iskolar ng OWWA, paano? | Bandera

Iskolar ng OWWA, paano?

Liza Soriano - November 18, 2015 - 12:18 PM

DEAR Ms. Liza Soriano:

Ako po si Bong Montenegro, OFW dito sa Saudi Arabia. Gusto ko po sanang itanong sa OWWA sa pamamagitan ng inyong pitak ang tungkol po sa programa nilang scholarship.

Bagamat bago pa lamang akong Overseas Contract worker, pinaghahandaan ko na po ang pag-aaral ng aking mga anak. Iyan din po kasi ang dahilan kung bakit ko naisipan mag-abroad—ang mabigyan ng edukasyon ang mga anak ko. Hindi kasi po talaga magkasya ang sinasahod ko dito sa Pinas.

Ano-Ano po ba ng mga requirements?

Umaasa po ako na bibigyan n’yo ng ako ng impormasyon tungkol dito

Gumagalang,

Bong Montenegro
OFW

REPLY: Bukas ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagtanggap ng mga scho-larship applicants sa ilalim ng Education for Development Scholarship Program (EDSP).

Sa ilalim ng education for scholarship ng OWWA, binibigyan ng pagkakataon ang anak ng OFW na aktibong miyembro ng OWWA para makapag-a-ral sa kolehiyo.

Sa nasabing programa, ang mga dependents ay maaaring makakuha ng 4 o 5 years sa kolehiyo na may tution fee na P60,000 kada school year at para makwalipika dapat ay may edad siyang 21 years old pababa, Filipino citizen, nasa top 20% ng gradua-ting class, at least 80% ang grado at hindi pa nakakakuha ng anumang unit sa kolehiyo

Kinakailangan din isumite sa opisina ng OWWA sa Maynila at regional offices ang dalawang kopya ng aplikasyon, dalawang 2×2 picture, form 137 o transcript of records, valid ID ng aplikante at patunay na anak ng married OWWA member o kapatid ng unmarried OWWA members.

Kamakailan lamang ay muling nagbigay ng recognition o pagkilala ang OWWA sa mga iskolar nito na mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs) na nagsipagpatapos at nanguna sa isinagawang government board licensure examination.

Binigyang pagkilala ang mga achievers na pawang anak ng mga aktibong miyembro ng OWWA na mula sa iba’ti-ibang bahagi ng bansa.

Ipinamalas ng mga OWWA scholars ang kanilang husay at talino para makatapos ng pag-aaral bitbit ang medalya na nagpapakita lamang ng pagmamahal sa magulang kapalit ng hirap ng pagtatrabaho ng mga ito sa ibang bansa.

Sa kasalukuyang taon, 29 awardees, 25 ang may latin honors, 4 ang board top rankers at karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho na “Ang nakakatuwa pa rito, hindi lamang mga laude kung hindi may na-produce po tayong nagkamit ng medalya ng pagka -Summa Cum Laude, Magna Cum Laude at sa taong ito, kabilang sa ating pinarangalan ay ang mga Board topnotchers ng iba’t ibang kurso,”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Administrator Rebecca Calzado
Overseas Workers
Welfare Administration (OWWA)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending