Buhay Ni Boobsie Wonderland Sa ’Tunay Na Buhay’ Ng Gma News Tv | Bandera

Buhay Ni Boobsie Wonderland Sa ’Tunay Na Buhay’ Ng Gma News Tv

Jobert Sucaldito - November 17, 2015 - 02:00 AM

boobsie

ISA sa pinakamamahal na-ming stand-up comedienne itong si Boobsie Wonderland na regular na napapanood sa Zirkoh, Klownz, The Library, Sitcom at marami pang co-medy bars.

Napakahusay magpatawa nitong si Boobsie at napa-kabait pang nilalang. Mind you, babae si Boobsie – hindi iyan bading. Kasi nga, kahit ihalo mo siya sa gay comedians ay hindi siya nagpapahuli.

May sarili siyang tatak. Tuwing nagboboses bata siya, talagang maaaliw ka at hahagalpak sa katatawa. Madalas ko rin itong nakakalaro ng tong-its – kami ni Allan K and nakakaloka maglaro, napakalakas ng loob.

Kahit mataas pa ang card niya ay draw nang draw. Ha-hahaha! Madalas siyang panalo dahil siya yata ang pinakamalakas ang loob sa lahat ng tong-its players. Kakabaliw! At ngayong araw na ito would just change her life because isasadula ang kaniyang story sa telebi-syon.

Ito pala yung sinasabi niyang dapat naming aba-ngan. Akala ko ay kung ano ang sinasabi niyang malaking sorpresa niya sa amin. Madalas kasi namin siyang napapanood sa GMA 7 with Gladys “Chuchay” Guevarra sa mga comedy skits lalo na sa Judge M.D. portion ng Sunday PinaSaya sa GMA 7.

Sumasakit ang tiyan namin sa katatawa sa mga kalokahan nila ni Gladys lalo na kapag nagboboses bata na sila. Ang galing-galing ng dalawang ito, sobra. “Ako po ay lubos na nagpapasalamat unang-una na sa ating Panginoong Hesus!

At siyempre sa aking pamilya’t mga kamag-anak, mga kaibigan, mga katrabaho, mga ka-kilala at mga kapitbahay lalo na po sa mga taong lubos na sumusuporta at nagtitiwala sa kakayanan ko…especially to Mamu Andrew de Real, Sir Lito Alejandria, Boss Allan K, Tito Jobert Sucaldito at sa mga guests and followers ko.

Maraming Salamat po! Kaya naman sundan nyo po ang a-king TUNAY NA BUHAY with Ms. Rhea Santos sa GMA 7 ngayong Nov.17 at 5:20 PM,” ang excited na imbitasyon niya sa lahat. Yes, we will watch you Boobsie anak. You have been soooo good to us.

Hindi ka lang mahusay na performer kungdi napakabuti pa ng puso mo plus the fact that you are truly generous to many of us – time, patience and love. Sana ay marating mo ang mga pangarap mong mara-ting. And sana mahalal ka ng kapitana sa lugar ninyo.

Tatakbo ka pa rin ba? Hindi ka pa rin ba nadadala? Ha-hahaha!  Anyway, sana huwag kang magsawa pasayahin kami sa mga antics mo. Kakaiba ang style of comedy mo.  Napakasaya mong mag-joke…as in wagas na wagas.

Lalo na tuwing nanghihingi ka ng pera sa mayayamang audience mo – ikaw lang talaga! Kaya mo silang pagbunutin sa bulsa. Yayaman ka sa style na iyan basta huwag ka lang makalimot mag-share. Charoozzzzz!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending