Jose 1 linggong absent sa KalyeSerye, may sama ba ng loob sa mga Bossing ng Eat Bulaga? | Bandera

Jose 1 linggong absent sa KalyeSerye, may sama ba ng loob sa mga Bossing ng Eat Bulaga?

Cristy Fermin - November 16, 2015 - 02:00 AM

jose manalo

Ang dami-dami nang nakaka-miss ngayon kay Jose Manalo. Isang linggo nang wala sa kalyeserye ang magaling na komedyante. Butas nga naman ang presensiya ng tatlong napapanahong lola kapag wala ang isa sa kanila.

Kahit sabihin pang magaling naman si Wally Bayola (Lola Nidora) at maagap sa pag-ayuda si Paolo Ballesteros (Lola Tidora) ay hinahanap-hanap pa rin ng ating mga kababayang tumututok sa Eat Bulaga si Lola Tinidora.

Hindi totoo ang lumabas na kuwentong may problema sa pagitan ni Jose at ng TAPE, Incorporated, napakalayo sa katotohanan ng totoong kuwento, nagpapasalamat pa nga si Jose sa kanyang mga boss dahil binigyan siya ng pagkakataong makapagpahinga.

Isang matagal nang natanguang kompromiso ang kailangang tuparin ni Jose, kailangan niyang mag-show sa ibang bansa, isasabay na rin siguro niya sa trabaho ang kaunting panahon ng pagbabakasyon.

Naging sagaran ang kanilang trabaho nitong mga hu-ling buwan dahil sa Eat Bulaga at sumasalang pa sila ni Wally Bayola tuwing Linggo nang tanghali sa Sunday PinaSaya na ang TAPE, Inc. din ang producer.

Kung ang makina nga naman ay pinagpapahinga ay ganu’n din dapat ang ating katawan. Ganu’n katinding umunawa ang TAPE, Inc., ganu’n sila kagandang mag-alaga ng kanilang mga talents, mahalaga para kina Mr. Tony Tuviera at Tita Malou Fagar ang kapakanan ng kanilang mga artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending