Ser Chief na-miss si Jodi: Pero kailangan naming mag-grow kaya hiwalay muna!
INAMIN ni Richard Yap na nami-miss na niyang katrabaho ang leading lady niya sa daytime series na Be Careful With My Heart na si Jodi Sta. Maria.
Ayon kay Ser Chief, mahigit isang taon silang nagkasama sa trabaho kaya natural lang daw na hinahanap-hanap niya si Jodi bilang ka-loveteam. Ibang klase rin daw kasi ang pinagsamahan nila noon sa kanilang serye.
Sa pocket presscon na ibinigay ng Dreamscape Entertainment kay Richard para sa pagpasok nito sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, sinabi ni Ser Chief na posible pa rin namang magkasa sila ni Jodi sa kanilang future projects.
“Namimiss ko siya katrabaho pero siyempre we have to go our own ways. Hindi naman pwedeng parati kaming magkasama,” pahayag ni Richard na gaganap na kontrabida sa Ang Probinsiyano bilang lider ng isang sindikato.
Pero ayon kay Richard, nagkakasama pa rin naman sila ng aktres sa ilang ABS-CBN events at commercial shoots. Sa katunayan, may bago raw silang bagong endorsement na lalabas na very soon.
Mapapanood na si Richard anytime soon sa FPJ’s Ang Probinsyano na nananatiling number one sa ratings game habang humahataw naman si Jodi bilang si Amor Powers sa isa pang top-ra-ting Primetime Bida series ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo.
Mainit ang pagtanggap ng viewers sa tambalan nina Jodi at Ian Veneracion, sa PSY, magkakaroon din ba si Richard ng love interest sa Ang Probinsiyano, “As of now, wala pa. Pero who knows (kung) meron?”
Speaking of Pangako Sa ‘Yo, tutukan this week ang mga susu-nod pang pasabog nina Amor Powers (Jodi) at Madam Claudia (Angelica Panganiban) ngayong lantad na ang kani-kanilang mga lihim.
Hanggang saan pa hahantong ang paghihiganti ni Amor? Ano ang naghihintay na parusa kay Claudia? Ano ang gagawin ni E-duardo para ituwid ang kanyang mga pagkakamali?
Siyempre, mas kailangan n’yong abangan ang mga susunod na kabanata sa buhay nina Angelo (Daniel Padilla) at Yna (Kathryn Bernardo), may naghihintay pa kayang happy ending at forever sa dalawa?
Kilalanin din ang mga bagong karakter na mas lalong magpapagulo sa kuwento ng Pangako Sa ‘Yo na napapanood pa rin sa ABS-CBN Primetime Bida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.