Karagdagang pulis nagdatingan na mula sa probinsiya para sa APEC | Bandera

Karagdagang pulis nagdatingan na mula sa probinsiya para sa APEC

John Roson - November 13, 2015 - 07:51 PM

NAGDATINGAN na mula sa mga lalawigan ang mga karagdagang pulis na tutulong sa pagpapatupad ng seguridad sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting sa Maynila. Nakatakdang dumating ngayong araw sa Maynila ang “battalion sized” contingent, o humigit kumulang 500 pulis, mula sa Western Visayas, ayon kay regional police director Chief Supt. Bernardo Diaz. “The contingent is composed mostly of personnel from Regional Public Safety Battalion, Public Safety Forces of different Provincial Police Offices and City Police Offices, and other units of Police Regional office 6,” ani Diaz. Magpapadala naman ang Bicol regional police ng 806 tauhan na kinabibilangan ng civil disturbance management personnel, medical, investigation at security teams, sabi ni regional police spokesperson Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib. Tumanggi si Calubaquib na sabihin kung kailan dadating sa Maynila ang kanilang contingent, pero tiniyak na makakadalo ito. “We cannot disclose the exact time and date of their deployment for security purposes, but definitely they will be in Metro Manila during D-Day, Nov. 18 and 19,” aniya. Kaugnay pa rin ng APEC leaders meeting ay nagtaas ng Bicol regional police ng “full alert” sa rehiyon, aniya. Una dito, noong Huwebes, ipinadala ng Central Luzon regional police sa Metro Manila ang mahigit 1,000 nitong tauhan. Ide-deploy ang mga naturang pulis sa pagdarausan ng APEC summit at mga lugar sa Makati City kung saan pansamantalang makikituloy ang mga delegado, ayon kay regional police director Chief Supt. Rudy Lacadin. Sinanay ang mga miyembro ng contingent sa civil disturbance management, pagbabantay ng convoy, at traffic management bago ipinadala, aniya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending