Board member inambush sa Palawan | Bandera

Board member inambush sa Palawan

- November 12, 2015 - 06:53 PM

palawan
Isinailalim sa pinakamataas na alerto ang lahat ng unit ng pulisya sa Palawan matapos ang pananambang na ikinasugat ng dalawang alagad ng batas at isang aide ni Palawan Board Member Abraham Ibba sa bayan ng Bataraza kahapon ng hapon.

Bukod sa pagdedeklara ng “full alert,” inatasan din ng provincial police ang lahat ng istasyon ng pulisya na magsagawa ng checkpoint, ayon sa ulat ng Mimaropa regional police.

Naganap ang pananambang dakong alas-2:10, habang dumadaan ang mga sasakyan nina Ibba, ng PPSC, at Bataraza Police sa Sitio Narra, Brgy. Tarusan.

Galing noon ang mga pulis at si Ibba, na residente ng Bataraza, sa Brgy. Culandanum kung saan sila nag-imbestiga at nag-clearing operation kaugnay ng pamamaril na naganap noong Martes.

Habang binabagtas ang barangay road sa Sitio Narra, Brgy. Tarusan, biglang pinaputukan ng mga armado ang mga sasakyan nina Ibba at mga pulis kaya gumanti ang mga alagad ng batas.

Tinamaan ng bala sa balikat sina SPO3 Erwin Baldemosa at SPO2 Ronald Castro, kapwa nakatalaga sa Palawan Provincial Public Safety Company, habang ang driver ni Ibba na si Bani Sadar ay tinamaan sa ulo at panga, ayon sa ulat.

Nagpadala na ng karagdagang tauhan ang PPSC at militar para tugisin ang mga salarin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending