Bea payag na payag gumanap na Darna: My God! Siyempre naman!
PAYAG na payag si Bea Alonzo kung sa kanya ibibigay ang “Darna” movie na inayawan na nga ni Angel Locsin. Maraming fans ng dalaga ang nagre-request sa Star Cinema na si Bea na lang ang magbida sa nasabing proyekto.
Pero sey ni Bea wala pa raw siyang natatanggap na offer para pumalit kay Angel bilang Darna.
“Darna? Hindi. Ay, ako ba? Hindi ko alam,” natatawang chika ng aktres na bibida naman sa sequel ng “One More Chance”, ang “A Second Chance” with John Lloyd Cruz bilang sina Popoy at Basha.
“Wala po akong offer. Parang hindi naman ako. Ako si Basha, hindi si Darna,” chika pa ni Bea.
Pero kung siya nga ang susunod na lululon ng bato ni Darna, “Siyempre, malaking honor ‘yan, my God. Malaking blessing ‘yan if ever, but wala pa namang nag-o-offer sa akin. I will tell you about it if ever.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.