Payo ni Susan Roces kay Grace: Anak labanan mo ‘yan, mali ‘yan! | Bandera

Payo ni Susan Roces kay Grace: Anak labanan mo ‘yan, mali ‘yan!

Ervin Santiago - November 11, 2015 - 03:00 AM

SUSAN ROCES  AT GRACE POE

SUSAN ROCES AT GRACE POE

BUSY man daw sa top-rating serye ng ABS-CBN na Ang Probinsyano ang ina ni Sen. Grace Poe na si Susan Roces, ay hindi naman daw ito nagkukulang na pagsuporta sa kanya. Alam niyang lagi siyang ipinagdarasal nito para maging matagumpay sa mga larangang pinapasok niya.

“Siya ‘yung pinakamalaking nagbibigay sa akin ng suporta at kumpiyansa at palaging nagsasabing, ‘Anak, labanan mo iyan dahil mali iyan, hindi na iyan makatarungan,”’ ayon sa senadora.

Mas mabuti na rin daw na hindi ganoon katutok ang Queen of Philippine Movies sa mga galaw niya, dahil less stress ito para kay Ms. Susan. Ayon pa sa anak ni FPJ, natutuwa siyang may panahon pa ang ina sa trabaho at mas nagiging aktibo at masaya pa ito sa kanyang ginagawang teleserye kasama ang award-winning actor na si Coco Martin.

“Hindi nila babantayan lahat ng statements ko. Hindi siya ninenerbiyos, hindi siya nagagalit, kaya mabuti na rin iyon,” ani Grace.

Ayon pa sa senadora, kahit sa ngayon ay panay ang bato ng isyu ng kanyang mg kalaban sa pulitika, ay lalabanan at tatayuan niya raw ang sa tingin niya ay tama tulad ng ginawa ng kanyang ama sa mga na-ging pelikula nito.

“Alam mo sa mga pelikula ni FPJ, bugbog-sarado siya sa umpisa, tapos bumabangon at pinaglalaban ang kanyang paniniwala. Para sa akin siguro nangyayari ‘yan dahil natural lamang ako ay tumatakbo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending