Operasyon ng MRT nagkaaberya ulit dahil sa nasirang riles
LIBO-LIBONG ga pasahero ang na-stranded sa kasagsagan ng rush hour kahapon ng umaga matapos magkaaberya muli ang operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
Sinabi ni Transportation Secretary Joseph Emilio “Jun” Abaya nasira ang riles ng MRT, dahilan para maapektuhan ang operasyon ng mga tren bago mag-alas-7 ng umaga.
Idinagdag ni Abaya na nilimitahan ang operasyon ng MRT mula North Avenue station sa Quezon City hanggang Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City at pabalik.
Ayon kay Abaya, bumalik ang normal na operasyon ng MRT ganap na alas-7:40 ng umaga.
Humingi naman ng pang-unawa si Abaya sa publiko sa pagsasabing malapit nang maramdaman ang pagganda ng serbisyo sa MRT.
“Pasensiya po ulit kung kami ang naging dahilan na na-late kayo sa trabaho sa araw na ito,” dagdag ni Abaya.
Tiniyak ni Abaya sa mahigit 600,000 mga pasahero ng MRT na ginagawa ng Department of Transportation and Communication (DOTC) para mapaganda ang serbisyo ng MRT.
“Marami kaming ginagawa. Marami kaming improvements bagaman alam kong may karapatan ang taong bayan na mainip dahil long overdue na itong magagandang serbisyo na dapat maranasan po nila,” ayon kay Abaya sa panayam ng Radyo Inquirer 990AM.
Tiniyak niya na nakatakda nang dumating ang mga bagong tren para sa MRT sa Enero 2015, na kabilang sa 48 bagong mga tren na inorder sa gobyerno ng Dalian, China. nquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.