Imbestigasyon sa tanim-bala sisimulan na ng Senado
SISIMULAN na ng Senado ngayong linggo ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kabilang sa mga inimbitahan para dumalo sa pagdinig ay si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya na nauna nang sinabing hindi magbibitiw sa puwesto kaugnay naman ng masamang serbisyo sa Metro Rail Transit (MRT).
Isasagawa ang pagdinig ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Sergio “Serge” Osmeña III at ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III.
“We hope [to begin the investigation] this Thursday,” sabi ni Osmeña.
Bukod kay Abaya, sinabi ni Osmeña na kabilang din sa mga inimbitahan ay sina Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado, at Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-Avsegroup) Director Pablo Francisco Balagtas.
“We’re trying to get the NBI (National Bureau of Investigation) report if it will be ready. We’re trying to invite those who have been arrested but have since been released. And then we want to have their stories on record,” dagdag niOsmeña.
Tahasang sinabi naman ni Osmeña na naniniwala siyang may sindikato na nasa likod ng tanim-bala sa NAIA.
“Yes, I believe it has to be done by a syndicate because there are those who will plant the bullets, then later on a different person collects the money…” ayon pa kay Osmeña.
Sinuportahan naman niya ang mga panawagan na magbitiw na si Abaya sa kanyang puwesto.
“He should have resigned a long time ago, but what can I do? KKK,” giit ni Osmeña.
Nangangahulugan ang KKK ng kabarkada, kabarilan at kaklase” ni Pangulong Aquino na kanyang itinalaga sa kanyang Gabinete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.