Ondoy at Pepeng, magagaling na guro | Bandera

Ondoy at Pepeng, magagaling na guro

- October 15, 2009 - 01:22 PM

SANG-ayon ang inyong lingkod sa panukala Sen. Chiz Escudero na ipasa ang lahat ng estudyante na nasalanta ng bagyong “Ondoy” at “Pepeng.” Kahit na hindi inaayunan ng Department of Education, isa itong praktikal na solusyon sa problema ng mga estudyante sa mga lugar na nasalanta ng dalawang bagyo. Ayaw ng DepEd na i-promote ang mga bata to higher grades dahil wala naman daw silang natutunan sa klase. For your information, honorable officials of DepEd, ang mga bata o estudyante sa mga lugar na nasalanta nina Ondoy at Pepeng ay may malaking natutunan sa buhay dahil sa kanilang mapait na karanasan. Naranasan nila na magutom ng ilang araw. Naranasan nila ang tumuntong sa bubong habang rumaragasa ang baha sa ibaba ng kanilang bahay. Kung hindi sila ang bayani, nakita nila ang kabayanihan ng kanilang kapwa at kasuwapangan ng iba. Naranasan nila ang pighati ng mamatayan ng mahal sa buhay. They learned to survive in adversity. Di ba sapat ang natutunan ng mga estudyanteng ito kina Ondoy at Pepeng? Sina Ondoy at Pepeng ang naging guro nila sa pakikibaka sa buhay. May kasabihan na experience is the best teacher. Ang kanilang karanasan sa kamay nina Ondoy at Pepeng ay di matutumbasan ng dunong na makukuha nila sa silid-aralan at sa mga libro. Sabi pa nga ng aking kapwa kolumnista sa INQUIRER na si Ramon J. Farolan, “We benefit more from our failures than from our successes; that crises teach us more important lessons than we can possibly learn from books and classrooms.”

* * *

May kasabihan na ang pag-uugali o character ng isang tao ay hinubog ng mga karanasan niya sa buhay. Character is not acquired in school but in the day-to-day experiences outside the classroom. Ang isang tao na may malakas na paninindigan at lakas ng loob ang nakikinabang sa mapait na karanasan. Ang taong mahina ang loob at paninindigan ay nasisira ng kanyang mapait na dinanas. Ang mga taong may malakas na personality ang nagiging lider at yung mahihina ang loob ang mga taong sunud-sunuran lang. Marami akong alam na tao na hindi nakapagtapos ng pag-aaral pero naging very successful sa kanilang piniling career. Marami rin akong kilalang tao na maraming diploma pero hindi successful sa buhay. Karamihan sa mga taong successful ay dumanas ng hirap ng buhay bago nila naabot ang kanilang puwesto. Maaaring isang contributory factor ang natutunan nila sa paaralan, pero mas malaki ang kontribusyon ng mga natutunan nila sa University of Life o pakikibaka sa buhay.

* * *

Bakit mas magaling ang mga magulang natin kesa atin sa kaalaman sa buhay? Dahil ang mga magulang natin ay mas maraming karanasan kesa atin sa pakikibaka sa buhay. Experience is the best teacher.

Mon Tulfo, Target ni Tulfo

BANDERA, 101509

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending