Magkaka-trabaho na ba ngayong pasko? | Bandera

Magkaka-trabaho na ba ngayong pasko?

Joseph Greenfield - November 09, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nita ng Almedras, Padada, Davao del Sur

Dear Sir Greenfield,

Gradueyt ako ng kursong HRM at sa kasalukuyan ay naghahanap ng trabaho. Dalawang beses na akong nakapagtrabaho ang kaso puro contractual lang kaya pagkatapos ng kontrata istambay na naman ako. Gustong-gusto ko ng magkaroon ng trabaho na regular para makatulong ako sa aking mga magulang lalo na ngayong malapit na ang pasko. Sana sa papama-gitan ng pag-aanalisa nyo sa aking kapalaran ay malaman ko kung paano ako susu-wertehin sa aking career at kung bago kaya sumapit ang pasko magkaka-trabaho na kaya ako ng regular? June 10, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Nita ng Padada, Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansing-pansing may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, higit kang susu-wertehin kung susubok kang mangibang bansa, kaysa sa ating bayan ka mag-trabaho.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Three of Diamonds at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, kung mag-aaplay ka na ngayon sa abroad, sa susunod na taong 2016, sa Enero o kaya’y Marso, tiyak ang magaganap, may isang mabunga at mabiyayang panginibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending