JOHN LLOYD hinahanap pa rin ang ‘TRUE LOVE’, hindi pa sure kay ANGELICA
Kung si Kaye Abad ang itinuturing na unang pag-ibig
NGAYONG gabi na mapapanood ang A Beautiful Affair nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo pagkatapos ng seryeng Ina kapatid Anak nina Kim Chiu, Maja Salvador, Xian Lim at Enchong Dee.
Ang buong akala ng lahat ay ang serye nina Lloydie at Bea ang papalit sa iniwang timeslot ng Walang Hanggan kaya tinanong ang director ng A Beautiful Affair na si Katrina Flores kung may pressure ba sa kanila dahil sa loob ng 11 buwan ay talagang number one ang nagtapos ng serye (isang buwan lang naagaw ng Princess And I ang pagiging number one nito sa ratings game).
“Well, unang-una congratulations to Walang Hanggan. That show really deserves a round of applause for what it did.
“Magkaibang-magkaiba kasi ang Walang Hanggan sa A Beautiful Affair, kuwento, story-telling, style.
Walang Hanggan tastes after from the very classic soap opera, template of Filipino soap opera and which I think also one of the main reasons why it was such a big hit.“Ang A Beautiful Affair is coming from a different place, that offers something different, that offers a new way to tell a story line. And as far as pressure is concerned, I think or whether may phenomenal hit like Walang Hanggan, any new show is always under some sort of pressure, siyempre lahat naman ng show gusto mong mapanood lahat ng maraming tao at ma-appreciate ito.
“And I don’t think we really feel the pressure in comparison to any particular show and we’re very aware that this soap is different from Walang Hanggan. And by the way, our timeslot is after Ina Kapatid Anak, so we are not replacing the timeslot of Walang Hanggan,” katwiran ng direktora ng bagong programa sa unit ni direk Launrenti Dyogi.
Samantala, tinanong ang tatlong pangunahing bida ng A Beautiful Affair na sina John Lloyd, Bea at John Estrada kung na-experience na nila ang pagkakaroon ng ‘beautiful affair’?
Ayon kay John, “I would say from my experience and I’m speaking for myself, lahat naman ng relasyon ko ay beautiful, di ba? It’s only beautiful ‘til it last. In every relationship, you have to make it beautiful.”
Dagdag paliwanag ng aktor, naniniwala raw siya na kung sino raw ‘yung mahal na mahal mo at kung sino ‘yung kasundo mo sa lahat ng bagay maging sa usaping sex ay hindi mo nakakatuluyan.
Kaya naman diretsahang sinabi ni John na, “I would say na ang pinaka-beautiful affair ko ngayon ay itong sa wife ko, kay Priscilla (Meirelles).”
Ang paliwanag naman ni Bea, “Ang affair naman po ay hindi parating negative, it can be a relationship, or gathering. Beautiful affair can be beautiful with memories, kapag magaganda ang memories n’yo, feeling ko beautiful.”
At si Lloydie naman, “Tulad nga ng sinabi ni Bea, hindi naman lahat ng affairs ay negative, may connotation kasing forbidden or infidelity, kung ang tanong ay nanggagaling sa premise ng story ng soap namin, parang wala pa po akong nae-experience na ganito, whirlwind romance and talagang tumatak sa akin na nangyari sa magandang lugar, sa Vienna (Austria) na kung sa mga affair, e, maraming affair na dumaan sa buhay ko na tumatak at humulma kung anuman ako ngayon, gaya nga ng sinabi ni direk na lahat ng kuneksyon na maganda is always beautiful.”
Inamin din ng aktor na unforgettable sa kanya ang naging girlfriend niyang si Kaye Abad, “Dahil siya ang una at naramdaman ko kung paano magmahal at mahalin.”
Sa madaling salita, si Kaye ang “first love never dies” ni Lloydie pero ang true love niya, kasalukuyan pa rin daw niyang hinahanap at malay mo bossing Ervin, si Angelica Panganiban na ito.
Pero say naman ng aktor, “It’s too early to tell, but I’m happy.”
Samantala, kasama rin sa serye sina Maritoni Fernandez, Dimples Romana, Carlo Romero, Slater Young, Janus del Prado, Megan Young, Erika Padilla, Ana Roces, John Arcilla, Jaime Fabregas at Jim Paredes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.