ISANG mataas na opisyal ang mahilig sa sex.
Para siyang pusang gala o alley cat.
Sobra ang kanyang hilig sa sex, pero hindi naman nagkukulang ang kanyang mga alipores sa pagbibigay ng mga babaeng bayaran sa kanya.
Kaya nga ayaw niyang mag-asawa dahil ayaw niya ng babaeng disente.
Sino ang opisyal na ito?
Mahina ka sa pakiramdam kung hindi mo alam.
Bakit daw ayaw ni Pa-ngulong Noynoy na mag-asawa?
Dahil magagalit ang kanyang palad.
Bwahahaha!
Kalimutan natin na si Sen. Grace Poe ay isang foundling, ang isang dahilan na binigay ng kanyang mga detractors na dapat siya ma-disqualify sa presidential race.
Ang isang foundling ay sanggol na napulot.
Dahil si Grace ay isang foundling, hindi raw alam ang citizenship ng kanyang mga magulang.
Pero kasalanan ba ni Grace kung siya’y isang foundling?
Ang dapat na pagtuunan ng pansin ay yung pagbitiw niya ng Filipino citizenship at pagkupkop niya ng American citizenship.
Saka lamang niya ki-nupkop muli ang Filipino citizenship dahil tatakbo siya sa pagkasenador.
Para siyang isang babae na iniwan ang kanyang esposo upang sumama sa ibang lalaki at nang nagka-labuan sila ng kanyang kalaguyo ay bumalik sa kanyang natorotot na esposo.
Dapat hindi pinagkakatiwalaan ang isang taong walang loyalty.
Ang nagpilit kay Grace na tumakbo ay ang kanyang running mate na si Sen. Chiz Escudero.
Kapag hindi na-disqualify si Grace bago mag-eleksiyon at natuluyan siyang ma-disqualify pagkatapos na siya’y mahalal na Pangulo, ang papalit sa kanya ay ang kanyang vice president.
Ang buong akala ni Chiz ay siya ang mahahalal na vice president.
Masyado naman siyang napakasigurong manalo.
Baka talunin siya ni Leni Robredo sa pagka-vice president.
Si Robredo ay isang mapagkumbabang tao gaya ng kanyang yumaong asawa na si Interior Secretary Jesse Robredo.
Hanggang ngayon ay sumasakay pa rin siya ng bus papuntang Bicol.
Hanggang ngayon, kahit na siya’y kongresista na, hindi siya nagbago ng ugali na makipagsalamuha sa mga maliliit na tao.
Ang aking fearless forecast ay si Leni Robredo ang mahahalal na vice president.
Pinabulaanan ni Jose Angel Honrado, general manager ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na walang sindikato sa premier airport na “nagtatanim” ng bala sa mga bagahe ng departing passengers upang sila’y koto-ngan.
Ang maysabi na may sindikato sa NAIA ay ang National Bureau of Investigation (NBI) na gumawa ng masusing imbestiga-syon.
Sino ngayon ang paniniwalaan ng taumbayan—si Honrado o ang NBI?
Baka nga kasama pa sa sindikato itong si Honrado.
Singkapal ng asero ang mukha ni Honrado na pinagre-resign ng taumbayan dahil sa mga insi-dente ng tanim-bala.
Pero ayaw talagang bumitiw ni Honrado.
Kahit na matindi ang pressure sa kanyang trabaho—nagkaroon nga siya ng heart bypass surgery dahil sa pressure—ayaw ni Honrado na magbitiw.
Bakit? Dahil may intelligence fund na P1 million kada buwan si Honrado bilang general manager ng NAIA.
Ang intelligence fund ay walang auditing. Hindi inaalam ng gobyerno kung paano ginamit ng tumanggap nito ang intelligence fund.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.