John Prats ‘niloko’ si Isabel nang maglihi sa lugaw | Bandera

John Prats ‘niloko’ si Isabel nang maglihi sa lugaw

Ervin Santiago - November 07, 2015 - 02:00 AM

john prats

Four months na ang i-pinagbubuntis ng aktres na si Isabel Oli at ayon sa kanyang asawang si John Prats, tapos na raw itong maglihi. Sa presscon ng gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae na eere na tuwing Linggo, simula Nov. 15 (kapalit ng Banana Split), ibinalita ni Pratty na so far ay okay naman daw ang pregnancy ni Isabel.

Nu’ng una raw ang gustung-gustong kinakain nito ay Japanese food. Pero nitong mga huling linggo raw ay trip naman nitong kumain ng lugaw na binili sa fastfood chain. “Actually, madami (siyang pinaglilihian).

Oo isa ako, tsaka durog na mani, strawberry galing sa Baguio. Usually mga Yaki Niku Don, mga ganu’n” chika ni John. Nitong huli nga raw ay humingi ng lugaw si Isabel at gusto raw nito galing sa fastfood, ayaw niya ng binili sa mga lugawan sa kanto.

At kahit malalim na ang gabi ay lumabas ng bagay si Pratty ay naghanap ng lugaw sa fastfood.
“Pero sarado na sila, kasi nga late na.

Ang ginawa ko, bumili ako sa mga 24 hour na lugawan, tapos bumalik ako du’n sa nadaanan kong fastfood, humingi ako ng platic at doon ko binalot yung lugaw.

Wala naman siyang reklamo, masarap naman daw,” natatawang kuwento ng aktor-dancer na super excited nang maging daddy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending