Wag nang magregalo ng mamahalin, damit-pantulog at pambahay na lang
UMAAPAW ang kasiyahan sa puso ni Batangas Gov. Vilma Santos na inihandang birthday celebration ng kanyang mga empleyado sa Kapitolyo noong Martes.
Nagsimula ang programa sa auditorium sa Kapitolyo with a thanksgiving mass, speech ni Gov. Vi and then isang tribute for her ‘di lang bilang ina ng Batangas but also as the Star For All Seasons.
Nag-perform almost 100 percent ng kanyang executive staff, different department heads and employees, Board Members and councilors ng Batangas at pati si Vice-Go-vernor Mark Leviste na tatakbong bilang susunod na Go-vernor ng kanilang lalawigan sa 2016 elections ay napasama rin sa mga production numbers na ginagawa ni Gov. Vi during her Vilma days from Metropolitan Theater to Broadway Centrum.
Pagkatapos ng bonggang programa, lahat ay imbitado sa isang sumptuous lunch kung saan may tatlo o higit pang lechon na kasama sa kainan mula sa ibaba ng Capitol Mansion hanggang sa loob mismo ng opisina ni Gov. Vi.
Everybody’s welcome at open na open ang office ni Gov. Vi na nakisabay din ng kainan with her staff. Pagka-tapos kumain ay isa-isa ring hinarap ng aktres ang mga dumalo at bumati sa kanya sa Kapitolyo.
At syempre, hindi pahuhuli ang solid Vilmanians niya headed by Jojo Lim and company. Pina-stay naman kami ni Gov. Vi para sa isang masayang tsikahan with her Vilmanians sa kanyang office. At doon ay in-entertain niya lahat ng questions from some members of the media at pati na sa mga Vilmanians.
According to Gov. Vi, she started her birthday with prayers at ang pagbati ng kanyang pamilya bago siya umalis sa kanilang bahay. “And then talagang nilaan ko ‘yung araw na ‘to, mismong araw ng birthday ko for the employees ng Kapitolyo kasi last birthday ko na as Governor.
So, surprise ‘yung kanina, hindi ko alam ‘yun. So, they prepared something. Ang akin lang kasi gusto ko ‘yung misa and then at the same time ang message lang ng taos-pusong pasasalamat for nine years na kasama ko sila.
Kasi next year iba na ang Governor, iba na ang magbi-birthday next year,” panimula ni Gov. Vi.
Teary-eyed naman si Gov. Vi when we asked her kung ano ang feeling habang pinapanood niya ang kanyang mga empleyado sa Kapitolyo who made all the efforts para pasayahin siya, “Definitely, may konting lungkot.
Ayan, maiiyak na naman ako. Hindi, e, kasi matagal din. Ibig kong sabihin pinagkatiwalaan din ako ng Batangas dahil sa pagtutulungan ng mga empleyado. So, ayokong umalis syempre. Pero demokrasya tayo, e. Kailangan may papalit sa ‘yo. But definitely, I will miss them,” lahad niya.
Syempre, hindi pa rin namin nalimutang itanong kay Gov. Vi kung ano ang kanyang birthday wish.
“D’yos ko Lord! Ano na, e, I’m blessed. Pasalamat na ako sa Panginoon. Sobra-sobra na ang blessing Niya. Ang wish ko lang siguro, since election is coming for us to ano, to have a peaceful election.
Kasi any negative na mangyari sa eleksyon, boomerang sa lahat ng Pilipino ‘yan, ‘di ba? E, lahat tayo umaasang makaka-survive ang Pilipinas. So, let’s just hope for the best this coming election for a more peacfule election this 2016, for everybody.
Not only for the candidates but also for the Filipinos to choose the right leaders, ‘yun.”
Dahil congressowman sa Lipa, Batangas ang kanyang tatakbuhin sa 2016 kaya balik Maynila na ulit si Gov. Vi, “Ay, hindi. I filed to run for Congress sa Lipa. Kasi ang Lipa ngayon ay lone district na.
Solong distrito na siya, sixth district. So, I choose to, kasi ako naman ay Lipeño, kasama ‘yan ng Batangas. Parang ‘yung last hoorah gusto kong magtanaw ng utang na loob sa Lipa.
Kung may matutulong, doon ako nanggaling. Kaya kung may maitutulong ako sa Lipeños for three years, ‘yung last hurrah, ah, it’s hard to be 35, e. Ha-hahaha!”
Hindi pa raw niya nababasa lahat ng mga artista at politiko na bumati sa kanya that day. Pero isa sa mga naunang bumati sa kanya si Co-medy Queen Ai Ai delas Alas na isang self-confessed Vilmanian.
Nu’ng tinext namin si Ai Ai regarding sa pag-mention ni Gov. Vi sa kanyang birthday greeting, tinext back naman kami ng Comedy Queen, “Ako pa ba? E, solid Vilmanian ako, mare.”
Any day within this week naman ang araw na inilaan niya to celebrate her birthday kasama ang kanyang mister na si Sen. Ralph Recto, Luis Manzano and Ryan Christian plus her mom, siblings at iba pa niyang kaanak.
Hindi pa rin daw siya nakakapagbukas ng mga regalo pero pinatago niya lahat ng cards na kalakip ng mga gifts sa kanya. Habang may request naman si Gov. Vi sa kanyang Vilmanians.
Huwag na raw siyang regaluhan ng mga mamahaling bagay. Mas type ni Gov. Vi kung mga damit pantulog at pambahay ang ibigay ng kanyang Vilmanians. Mas maa-appreciate at magagamit pa raw ‘yun ni Gov. Vi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.