True ba, Willie may tampo kay direk Bobot Mortiz? | Bandera

True ba, Willie may tampo kay direk Bobot Mortiz?

Reggee Bonoan - November 07, 2015 - 02:00 AM

willie revillame

Sa pagbabago ng araw at timeslot ng Banana Split (napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN) na magiging Banana Sundae na at obvisouly, tuwing Linggo na ito mapapanod ay natanong si Direk Bobot Mortiz tungkol dito.

Balitang makakatapat nito ang programa ni Willie Revillame na kaibigang matalik ng direktor May tsika kasing kumalat na masama ang loob ni Willie dahil lalabanan ng programa ni direk ang show niya.

Paliwanag ng direktor, “Hindi ko nga alam, hindi ko pa alam, pero kung magkakatapat man, magkaiba naman kami ng concept ng show, may iba naman siyang market, iba rin naman ‘yung sa amin, so palagay ko hindi magkakasakitan.

Tinatanong nga niya ako (Willie), sabi ko hindi ko pa rin alam, maski ngayon, hindi pa rin namin alam Pero kung magkatapat man, okay lang ‘yun kasi trabaho lang ‘to,” paliwanag mabuti ni direk Bobot.

Samantala, maraming pagbabago na mapapanood sa Banana Sundae na hindi napapanood sa Banana Split. Ang favorite ng viewers na napapanood tuwing Sabado ay ang, “Kantaranta, impromptu kasi yun, nag-iisip sila (cast) ng lyrics ng kanta on the spot, tapos ‘yung Baby Love nina Pooh at JC (de Vera).

Kung ano ‘yung ipinalalabas namin pag Sabado, i-improve lang namin na mas nakakatawa kasi ang daming dagdag ng barkada,” ang kuwento ng Executive Producer ng show na si Rocky Ubana.

Isa sa dapat abangan sa gag show na ito ay ang bagong pasok na si Jessy Mendiola na first time nagko-comedy. Napansin nga ng entertainment press sa presscon na binu-bully ng grupo ang aktress.

Ang paliwanag naman sa amin ng staff, ito’y para maging at home raw ang dalaga at hindi nito maramdamang hindi siya welcome.

As of this writing ay wala pang timeslot na sinasabi ang executives ng Banana Sundae basta’t abangan daw ito tuwing Linggo simula sa Nob. 15.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending