Ex-munti mayor, iba pa kinasuhan sa P22M trolley bag
Sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman si dating Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng mga trolley bag noong 2008.
Bukod kay San Pedro sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan sina noon ay Bids and Awards Committee Chairman Roberto Bunyi; BAC Vice-Chairman Michael Racelis; BAC members Avelino Orellana, Rodolfo Oliquino, Vicente Navarro, Peter Salonga at Sonia Laureta; Technical Working Group Chairman Roderick Espina, at TWG members Edwin Suitado, Eduardo Bautista at Glenn Santos.
Ayon sa Ombudsman binigyan ng ‘unwarranted benefits’ ng mga akusado ang CLMP Trading para sa biniling 40,000 pirasong trolley bag na nagkakahalaga ng P22 milyon.
Ginastusan umano ang mga trolley kahit na hindi naman ito kasama sa mga gagastusan sa ilalim ng 2008 Annual Procurement Plan ng lokal na pamahalaan.
Hindi umano dumaan sa public bidding ang pagbili.
Inirekomanda ng prosekusyon ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng bawat akusado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.