PATAY ang dalawa katao samantalang sugatan ang isa pa sa aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Pagbilao, Quezon madaling araw kahapon, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Chief Inspector Von June Nuyda, Pagbilao police chief, na papunta ng Lucena City ang pampasaherong bus na Raymond Transportation (UWE 595) na minamaneho ni Ariel Magalona nang mabangga nito ang isang electric motorbike o eco-bike sa Brgy. Talipan alas-12:50 ng umaga.
Dead on the spot ang driver ng eco-bike na si Benito Malveda Jr, 46, matapos magtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Dinala sa Quezon Medical Center ang dalawang pasahero ni Malveda.
Dead on arrival ang isa sa pasahero na si Raymundo Macabuhay.
Tumakas si Magalona matapos ang aksidente, bagamat sumuko rin sa Pagbilao police station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.