Kris ‘Inilihim’ ang pagiging close kay Nadine | Bandera

Kris ‘Inilihim’ ang pagiging close kay Nadine

Ervin Santiago - November 05, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Matagal-tagal na rin palang magkaibigan sina Kris Aquino at Nadine Lustre. Hindi lamang ito ipinangangalandakan ng Queen of All Media dahil baka raw manega ang kanilang relasyon.

Ayon kay Kris, mas nais niyang gawing “private” ang friendship nila ni Nadine. Dagdag pa niya, consistent daw ang komunikasyon nila ng ka-loveteam ni James Reid sa seryeng On The Wings Of Love na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Napag-usapan sa social media ang pagkakaibigan nina Kris at Nadine nang mag-post ang Kris TV host sa kanyang Instagram account ng isang quote kasabay ng pagsasabing balik-trabaho na siya matapos ang ilang araw na bakasyon sa ibang bansa.

Post ni Kris, “#TheOneIDidntSeeComing #CantStopSmilingSinceIMetYou Good Night. Taping tomorrow morning for @kristvofficial_ig – back to work w/ @itspokwang27 @marlo_mortel @superjanella. #Grateful #Blissful #Blessed.”

Isang follower naman ni Kris ang nakiusap na kung pwede’y batiin nito si Nadine, dahil nagdiwang nga ito ng kanyang birthday. Sinagot naman ni Kris ang nasabing follower at dito nga niya inamin na malapit din sa kanya ang young actress.

Pero aniya, hangga’t maaari ay ayaw na niyang magkuwento tungkol dito.Pero ayon sa TV host-actress, gustung-gusto niya si Nadine dahil, “She’s honest, open, charming, and such a joy to know.”

Speaking of James and Nadine, natanong naman ang direktor nila sa seryeng OTWOL na si Antoinette Jadaone kung may nakikiya ba siyang pagbabago sa sweetness ng dalawa sa taping mula nang magsimula sila ilang buwan na ang nakararaan.

“Parang ganu’n pa rin naman. Parang ano sila, sobrang good friends talaga sila. Nagse-share sila ng earphones. Kapag nagpapabili ng food yung isa, bibilhan niya ng food yung isa.

Ganu’n yung bonding talaga nila,” sagot ng direktor sa isang panayam. Feeling ba ni direk may something na sa pagitan ng magka-lovetram? “Hindi ko alam.

Nagbigayan sila ng aso, yun ang latest. Na-stop nga yung taping namin kasi nagbigay ng dog si James kay Nadine. Happy kasi makikita mong masaya naman silang dalawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending