ANGELICA: ‘Wag mo akong sagarin! please lang! | Bandera

ANGELICA: ‘Wag mo akong sagarin! please lang!

|October 28,2012
facebook
share this

ANGELICA: ‘Wag mo akong sagarin! please lang!

- October 28, 2012 - 04:57 PM

Bad trip daw, may bago na namang kaaway

SINO kaya ang pinari-ringgan ni Angelica Panganiban sa kanyang tweet lately?

It seems she’s pleading na tigilan na siya ng kung sino man dahil parang meron siyang pasasabugin.

“I have so much respect with your family… Please.. Don’t push me… Please…!” tweet ni Angelica.

Actually, may sakit si Angelica, mero siyang lagnat but this did not deter her from making a tweet which she felt necessary para tigilan na siya ng kanyang hindi pinangalanang kaaway.

Ang nakakaloka pa sa aktres, meron yatang nagta-try na i-hack ang kanyang Twitter account as she said, “Someones (sic) trying to hack my account!”

Napansin namin parang sunud-sunod ang pagka-badtrip ni Angelica.

Bukod kasi sa may lagnat na siya at may nagbabalak pang mang-hack ng kanyang Twitter account ay sinira rin ng kanyang pet dog ang kanyang pouch bag na pagkaganda-ganda. Ipinost nga ni Angelica ang pouch bag niya na may butas with this caption, “No more… Santi ate my pouch…. ??? d nya yata gets na may sakit ako…

Nagtatampo sya kasi wala syang playmate!”

Naku, ano kaya ang ginawa ni John Lloyd Cruz para pagalingin ang kanyang girlfriend?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending