2 pa nahulihan ng bala sa NAIA | Bandera

2 pa nahulihan ng bala sa NAIA

- November 04, 2015 - 03:51 PM

SA kasagsagan ng sinasabing “tanim-bala extortion scheme,”  dalawa pang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) ang nahulihan ng bala sa loob ng kanilang mga luugage Miyerkules.

Isang baril na may limang bala ng .22-caliber bullets ang nakuha mula sa hand-carry luggage ng Filipino-American na si Ramon Velasco sa final screening, ayon sa report ng Radyo Inquirer.  Patungo sana ng Estados Unidos si Velasco.

Natagpuan din sa bag ng isang 46-anyos na dental assistant na si Rey Salado, na patungo naman sa Cagayan de Oro, ang isang bala.  Patungo siya sa lalawigan para sa libing ng kanyang ama.

Gayunman, inamin ni Salado na dala nga niya ang baril at wala naman siyang planong dalhin ito.

“Souvenir po sa akin ‘yan galing Baguio, alam ko namang bawal, hindi ko lang natanggal sa bagahe,” ayon kay Salgado.

Isang press conference din ang isinagawa ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pangunguna ni Secretary Joseph Emilio Abaya sa NAIA hinggil sa isyu ng “bullet-plating scheme”.  Nangako ito na pananagutin sa batas ang sinomang mapatunayan na nasa likod nang nasabing scheme.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending