Sana ay hindi naman totoo na nanganganib na mawala ang character ni Matt Evans sa isang malaking teleserye sa ABS-CBN.
Kailangan daw malagpasan muna ni Matt ang dalawang kasong isinampa sa kanya ng dating live-in partner para magpatuloy ang kanyang career sa Dos.
Naging kontrobersiyal si Matt nang maakusahan siya ng pambubugbog diumano sa kanyang live-in partner at pananakit sa kapatid nito.
Nagpiyansa lamang si Matt para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
In a recent interview, itinanggi ni Matt na nananakit siya, lalo na ng babae.
Hindi raw siya ganoong klaseng tao.
He also revealed that his live-in partner with whom he has a child visited him thrice noong nakakulong siya.
We feel that Matt will be able to tide over this recent trial of his life.
Malalagpasan din niya ito dahil he never had a track record na nananakit ng kanyang kapwa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.