‘KADRAMAHAN’ ni ARA MINA wa epek kay CRISTINE, nagmamatigas pa rin | Bandera

‘KADRAMAHAN’ ni ARA MINA wa epek kay CRISTINE, nagmamatigas pa rin

- October 27, 2012 - 04:46 PM

Talagang hindi pinautang ang kapatid na lalaki, ipinahiya pa   

TALAGANG hindi nagpapatinag si Cristine Reyes sa mga intriga sa kanya.

Tila wah effect ang latest na barrage of negative write-ups sa kanya which involved her brother.

Yes, ang kapatid naman niyang lalaki ang sinasabing kaaway ngayon ng sexy actress.

Nag-away raw ang dalawa nang humiram ng pera ang kanyang kapatid na lalaki dahil nanganak ang misis nito.

Babayaran naman daw ito ng kanyang utol, kapos lang siya sa pera noong mga panahong iyon.

Instead of helping him, ibinrodkast pa ni Cristine ang panghihiram sa kanya ng pera sa kanyang Facebook account.

Although she didn’t name him, many believe that she was referring to her brother. Aside from that, kung anu-ano pa raw masasakit na salita ang sinabi ni Cristine, which all the more put her in a bad light.

Sa kulturang Pinoy kasi, magiging nega ang imahe ng isang tao kapag kaaway niya ang kanyang mga magulang at kapatid.

Not surprisingly, nobody seemed to have sided with Cristine.

With that, talagang wala na siyang kakampi.

Baka nga ang dyowa na lang niyang si Rayver Cruz ang nasa side niya ngayon.

Cristine should realize that her brother needs help.

Sa kahit anong anggulo, mas magandang tingnan ‘yung tumutulong ka at hindi ‘yung tinutulungan ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya sabi raw ng brother ni Cristine sa ate nilang si Ara Mina, “Ngayon alam ko na kung bakit mo siya kinasuhan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending