Makakaahon pa ba sa mga pagkakautang? | Bandera

Makakaahon pa ba sa mga pagkakautang?

Joseph Greenfield - November 03, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Thelma ng Poblacion, San Isidro, Davao Oriental

Dear Sir Greenfield,

Mula ng bumaba sa barko ang mister ko at nagpasya siyang hindi na sumampa pa uli sa halip ay nagtayo na lang kami ng sari-sari store nagsi-mula ng pumangit ang aming kabuhayan at nagkabaon-baon pa kami sa mga pagkakautang. Sabi ko sa kanya mag-abroad uli, kaya sa nga-yon ay nag-aayos siya ng kanyang mga papeles ang kaso mag iisang taon na hindi pa rin siya tinatawagan ng kanyang agency. Kaya sa ngayon balak ko ako ay mag aplay din sa abroad bilang D.H. para maka-ahon kami sa kahirapan at mabayaran ang aming mga utang. Sa palagay nyo Sir Greenfield makaka-ahon pa ba kami sa mga pagkakautang at sino kaya sa amin ng mister ko ang unang makapag-aabroad, kung may makapag-aabrod sa aming dalawa, kailan naman kaya ito magaganap? December 4, 1972 ang birthday ng mister ko at March 25, 1979 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Thelma ng San Isigro, Davao Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Parehong may malinaw na Travel Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa kaliwa at kanang palad nyong mag-asawa. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap, walang duda pareho kayong makapag-aabroad. At sa sandaling makapag-abroad na kayong dalawa, tulad ng inaasahan, makakaahon na sa kahirapan ang pamilya at unti-unti na ring mababayaran ang inyong mga pagkakautang.

Cartomancy:
Ang Two of Diamonds, Ace of Clubs at Five of Diamonds ang naghahayag ng tulad ng nasabi na, sa pagpasok ng taong 2016 pareho kayong makapag-aabroad ni mister, kung saan, sa buwan ng Enero tuluyan na siyang makaka-sampa sa barko, at matapos ang limang buwan sa Mayo 2016, ikaw naman ang makapag-aabroad sa isang bansa sa Middle East.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending