Claudine nagpakatotong AlDub fan; konontra ang bashers
HINDI na nakatiis at rumesbak ang aktres si Claudine Barretto sa mga bashers na umokray sa ginawa niyang paghanga sa love team nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas “Yaya Dub”.
Ilang netizens ang nagpahayag ng pagkainis kay Claudine matapos itong mag-post sa kanyang Instagram account noong “Tamang Panahon” episode sa Philippine Arena sa Bulacan na may caption na ““Love u Aldub! #aldubfan.”
Chika ng mga bashers hindi dapat ito ginawa ni Claudine dahil isa siyang talent ng ABS-CBN na kalaban ng GMA, lalo pa na ngayon na binigyan siya ng second chance ng network at mabigyang ng dalawang projects na “Maalaala Mo Kaya” at “Etiquette for Mistresses.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.