Pabago-bago ang isip ni Duterte
Isang malapit na kaibigan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nagsabi na hindi siya magugulat kung bigla na lamang tumakbo sa pagkapangulo ang alkalde.
Ayon kay House senior deputy minority leader at 1BAP Rep. Silvestre Bello III kilala niya si Duterte kaya nasabi niya na maaari pang magbago ang isip nito kaugnay ng pagtakbo sa 2016 presidential race.
“I’ve known him (Duterte) for a very long time. He will always tell us that he is against and already made a decision, but later he overturns himself. His style is like that,” ani Bello.
Sinabi ni Bello na magbabago ang political landscape sa bansa kapag sumali na si Duterte na mayroon hanggang Disyembre upang mag-substitute.
“As a long time friend of Duterte, I have this strong feeling and belief that he will run for president. So let’s wait and see because it ain’t over till it’s over,” dagdag pa ni Bello.
Mayroon umanong mga kandidato na mababawasan ng suporta kapag tumakbo si Duterte na inaasahang makakakuha ng malaking boto sa mga kapwa taga-Mindanao nito.
“I would say that at least three presidential candidates (Roxas, Poe and Binay) will be affected by his (Duterte) entry in the presidential race because their respective allies in Mindanao will shift its support to the Davao City mayor,” ani Bello na nagsabi na mayroong mga senatorial candidates na lilipat din sa balwarte ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.