Pokwang di susuko sa paggawa ng baby: Try and try lang kami ni Lee! | Bandera

Pokwang di susuko sa paggawa ng baby: Try and try lang kami ni Lee!

Ervin Santiago - October 28, 2015 - 02:00 AM

pokwang

POSITIBO pa rin ang komedyanang si Pokwang na bibiyayaan pa rin siya ng Diyos ng bagong baby matapos siyang makunan kamakailan. Ayon kay Pokey, hindi raw siya susuko para ma-kabuo ulit sila ng kanyang American boyfriend na si Lee O’Brien.

Sa presscon kamakailan ng bagong pelikula ng Kapamilya comedienne, ang comedy-horror na “Wang Fam” na idinirek ni Wenn Deramas under Viva Films sinabi nitong mas magiging maingat na siya sa susunod niyang pagbubuntis.

“Ginagawa na namin. Try nang try hanggang kaya pa. Pero kung sakaling makabuo ulit kailangan talagang ingatan dahil siyempre, hindi naman na ako 18 years old,” pahayag ni Pokwang.

Dagdag ni Pokey, planO niyang magbawas ng work load sakaling makabuo uli sila ng baby ni Lee.
“Siguro, tatanggap ako pero hindi yung ganung kalala na tulad ng dati. Hindi na si Curacha ang magiging peg ko this time.

Kaya lang kasi, du-ring that time talaga sunud-sunod yung trabaho. Eh, alam mo naman ako, workaholic talaga ako at mahal ko ang trabaho ko kaya ganu’n. “Anyway, kung sakaling dumating yung panahon na makabuo ulit, itatali ko na siya talaga.

Lalagyan ko na ng glue para matindi na ang kapit niya (baby) at hindi na mawala,” natatawa pang chika ng ko-medyana.  Natanong naman si Pokwang kung papayag ba siyang manirahan sa Amerika kapag niyaya na siyang pakasal ng kanyang dyowa, “Alam n’yo, napag-usapan na rin namin yan, nabanggit ko rin sa kanya yan, pero alam niya na yung nanay ko, hindi ko naman puwedeng iwan.”

“Kasi si mother, 75 years old na, hindi na kayang bumiyahe at nasa poder ko ang nanay ko and medyo sumi-second childhood na si mother so kailangan naming tutukan. Siyempre, yung ginawa ng nanay ko sa amin, yung pag-aalaga at sakripisyo niya, walang kapalit yon.

Dose kaming inalagaan niya, it is so unfair naman kung iiwanan ko siya,” esplika pa nito. Samantala, showing na sa Nov. 18 ang “Wang Fam” nationwide kung saan makakasama rin sina Benjie Paras (na gaganap na asawa ni Pokwang sa istorya), Andre Paras, Yassi Pressman, Joey Paras, Wendell Ramos at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending