Promise ni Goma: Hindi iiwan si Dawn kahit Manalo sa Eleksiyon 2016 | Bandera

Promise ni Goma: Hindi iiwan si Dawn kahit Manalo sa Eleksiyon 2016

Reggee Bonoan - October 28, 2015 - 02:00 AM

richard gomez

Walang nakikitang problema si Richard Gomez sa pagpapatuloy ng kanyang acting career sakaling manalo siyang mayor sa Ormoc sa darating na 2016  elections.

Natanong kasi si Goma sa nakaraang presscon ng seryeng You’re My Home kung magpapahinga muna siya sa showbiz kapag umupo na siyang alkalde ng Ormoc, at paano na ang balik-tambalan nila ni Dawn Zulueta na patok na patok pa rin ngayon sa mga manonood.

“Well, I can work on weekends. Wala namang problema yun, and everything can be worked out naman,” sey ni Goma. Pabirong dugtong ng award-winning actor, “Kung manalo ako, I will bring the show to Ormoc.

And dun tayo magtatrabaho, du’n tayo gumawa ng teleserye.” Mabenta pa rin talaga until now ang CharDawn tandem, pagkatapos ng blockbuster movie nilang “The Love Affair” ay may follow-up project agas sila, ito ngang You’re My Home, “Masaya naman kami ni Dawn.

Kami kasi, kapag may project kaming dalawa, pinag-uusapan talaga namin. “Hindi yung kapag may offer, tanggap kaagad. Pinag-aaralan namin. Will this project be good to our tandem? Will this be lasting? Will this make an impression? Dapat ganu’n, e.

“Magiging commercially viable ba ito? Do we think magiging successful ba ito? Maraming factors kaming kinu-consider ni Dawn when we do a project together,” sabi pa ni Goma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending