LJ Reyes nagpakita ng boobs; pwet ni Luis agaw-eksena
NAPANOOD namin ang unedited indie film na “Anino Sa Likod Ng Buwan” nina LJ Reyes, Anthony Falcon at Luis Alandy mula sa direksyon ni Jun Lana sa ginaganap na Quezon City Film Festival sa Trinoma Cinema 2 noong Biyernes.
Deserving si LJ na manalong Best Actress at Best Director naman si direk Jun pati na rin Best Asian Film by Netpac (Network for the Promotion of Asian Cinema) International Critics Prize ng Fipresci (International Federation of Film Critics) sa nakaraang 13th Pacific Meridian Film Festival sa Vladivostok, Russia.
Hindi namin inaasahang magagawa ni LJ ang eksenang nakipagniig siya sa isang sundalo para lang makakuha ng impormasyon kung saan ikinulong ang ama niyang pi-nuno ng mga rebelde.
Sabi nga ni LJ ,“This project was very challenging for me in so many ways. When I accepted it, I believe it was very far from my abilities. I remember that meeting in a hotel with Direk when I told him ‘Direk ikaw na bahala sa akin!’ This film, my character Emma, pushed me beyond my limits and challenged me as an actor.”
Hindi ipinakita ang buong katawan ng aktres, pero nakita ang boobs niya at ang iba’t ibang posisyon ng pagtatalik nila ni Luis na parang bold pictures noong 1980’s na pinagbidahan nina Sarsi Emmanuel, Stella Strada, Anna Marie Gutierrez, Pepsi Paloma, Cristina Crisol, Myra Manibog, Irma Alegre, Jacklyn Jose at iba pa.
Natawa nga kami sa komentong narinig naming, “Ang kinis at ang ganda pala ng butt ni Luis, ang laki ng katawan niya at ang galing niyang kumadyot.”
Sayang nga at wala si LJ sa ginanap na screening ng “Anino Sa Likod Ng Buwan” para narinig sana niya ang mga papuri sa kanya ng lahat ng nakapanood.
Kaya sa mga gustong mapanood ang unedited version ng pelikula, mayroon pa kayo hanggang Okt. 30, mapapanood ito sa Trinoma, Gateway at Robinson’s Magnolia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.