Assunta, Jules ipamimigay ang kayamanan sa mga empleyado | Bandera

Assunta, Jules ipamimigay ang kayamanan sa mga empleyado

Reggee Bonoan - October 25, 2015 - 02:00 AM

assunta de rossi

PARANG pusang hindi mapakali si Assunta de Rossi sa nakaraang presscon ng bagong serye niyang You’re My Home sa ABS-CBN na pagbibidahan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez mula sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Ito agad ang tinanong naming kay Assunta nang makausap namin pagkatapos ng question and answer portion. Ang katwiran ni Assunta, “Ano, bored lang, giniginaw kasi ako, ang lamig, eh.

Saka inaantok na rin, hindi ako nag-nap kasi, ang aga-aga ko kasing nagising kaya antok na antok ako.
“Mabilis akong ma-bore ngayon, I think I have ADD (deficit disorder), kasi nakaupo ka the whole day tapos ganu’n, hindi mapakali, or parang like my daddy kasi ganu’n siya.”

Hiningan din namin ng paliwanang ang aktres sa sinabi niyang masaya siya na nakasali siya sa seryeng You’re My Home dahil mula simula hanggang sa pagtatapos nito ay kasali siya.

“Well, meron kasi akong mga teleserye before na hindi ako namamatay pero nawawala naman ako, so presumed dead tapos babalik later on, ‘yung mga ganu’n,” anito.

Samantala, dalawang taon daw naghintay si Assunta sa You’re My Home, dapat kasi sana ay may gagawin siyang ibang serye, pero since pina-block ang schedule niya ay naghintay na lang daw siya.

Wala naman daw pagsisisi o panghihinayang ang sister ni Alessandra de Rossi dahil worth the wait naman ang You’re My Home dahil nga maganda ang papel niya.

Tinanong naming kung anong programa ‘yung mga pinakawalan ni Assunta, “Hindi ko alam kung allowed akong sabihin, dapat ‘yung management ko na lang magsabi,” pag-iwas ng aktres.

Natanong namin kung bakit hindi niya ito idinulog sa kanyang manager dahil sayang nga naman ‘yung mga pinalagpas ng projects? “Wala naman akong magagawa, saka push over ako, hindi ako umaangal, wala akong cut-off, hindi ako reklamador.

“Ang hirap din naman kasing mag-impose kasi unang-una hindi naman ako sikat para mag-impose ‘no?” katwiran ng aktres. Nasabi namin na kilala na rin siya bilang Assunta de Rossi, “Naku, wit (huwag) na, I don’t think so,” sabi ng aktres.

“Ayoko ring mag-power trip, I married a Lopez, madaling mag-power trip kasi, because I know that the owner of this (network) is my in-laws, di ba? Ang daling humingi ng kung anu-anong pabor, but I’d rather won’t,” esplika ni Assunta.

Ayaw daw magreklamo ng aktres, “Again, ayokong mag-impose o umabot sa ganu’n,” katwiran ng aktres. At sa tanong namin kung anong papel ni Assunta sa You’re My Home, “Actually, hindi ako puwedeng mag-reveal sa role ko, hindi ako kontrabida.

Nanay ako, I have a son, mahirap lang kami pero masaya. Pinapaaral ko siya ng abogasya, iginagapang ko siya, lahat ng raket pinasok, hanggang isang araw may nag-claim na ‘yung anak ko, anak daw niya, si Dawn, so iyon (nag-uumpisa ang conflict).”

Napag-usapan rin lang ang anak ay muling tinanong for the nth time si Assunta kung kailan ba talaga sila magkakaanak ni Cong. Jules Ledesma.

May plano ba silang mag-adopt, “Open naman kami sa ganyan, wala na kami sa politika next year, kaya puwede na. I’ll be 33 (years old) by then,” sabi ng misis ni Jules.

Kailangan bang dumaan sa medical procedure sina Assunta para makabuo ng anak? “If kailangan naming umabot sa ganu’n, if lang, and I said, we’re open pero hindi ko sinasabing oo ‘yun ang balak namin.

Wag lang adoption or surrogate, no! I don’t think…kasi tanggap na kasi sa atin ang ganu’n,” esplika ng aktres. At sa usaping pag-aampon, “Sabi ng doktor wala naman daw akong problema.”

As of now ay hindi naman daw nagta-try hard ang mag-asawa dahil may tinatapos pa raw silang problema, “Mayroon lang kaming tinatapos, ‘yung bahay (nagpapatayo) at saka ‘yung Ledesma trust (fund) for making our workers millionaires,” sabi pa ng misis ni Jules.

Medyo naguluhan lang kami sa sinabi ni Assunta tungkol kaya pina-explain namin uli ito sa kanya, “More than half of our wealth will be given to them. Have you ever heard of the giving pledge?
“Giving pledge is an advocacy organization set up by Bill Gates (Microsoft),

Mark Zuckerberg (Facebook founder) and Warren Buffet. They’re challenging lahat ng bilyonaryo sa mundo in dollars ha, siyempre wala kami ro’n, mahirap lang kami kumpara sa kanila. Like you can give half of your personal wealth to any charity, na habang nabubuhay ka o mga anak mo,” sey ni Assunta.

Nabasa raw niya ang kuwento ng ordinaryong Indian guy na yumaman dahil sa 5-hour energy drink, “E, simpleng tao lang siya kaya ‘yung 99% ng kayamanan niya ay ibinigay niya sa charity.

‘Yung sa amin naman, it has something with land reform so 60% of our land will go to our manggagawa plus new houses, they are all 800 plus beneficiaries naming.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So 800 hundred million ang ibibigay namin para ipagawa ang bahay nila kasi mga luma na rin, buhay pa ‘yung father in law ko, binigyan na sila ng pabahay at over 40 years old na kaya kailangan na ring palitan,” ani Assunta.

Excited na si Assunta sa airing ng You’re My Home sa Nob. 9, sa Primetime Bida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending