Anak dapat bang ipagdamot sa ex-in-laws? | Bandera

Anak dapat bang ipagdamot sa ex-in-laws?

Pher Mendoza - October 23, 2015 - 03:00 AM

HELLO, Manang.

Ako po si Shana, 27 years old from Davao City. Isa po akong single mother sa isang anak na lalaki.

Anak ko po siya sa dati kong BF na hindi man lang makapagbigay ng suporta sa aming anak. Imbes na suporta ang ibigay niya ay samu’t saring panlalait pa ang natatamo ko sa kanya.

Ngayon po bigla kaming inimbitahan ng anak ko ng mama ng ex-BF ko sa kanilang bahay kasi gusto nilang makita ang apo nila.

Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko: kung pupunta ba kami o hindi, manang?
May kanya-kanya na po kaming buhay now at masaya naman ako sa aking karelasyon ngayon. Gusto lang daw nila makita at makapiling ang anak ko kahit sandali lang. Ano ba ang dapat kong gawin?

Shana

Good morning sa iyo, Shana ng Davao City. Thank you sa message mo.

Kung ako ang tatanungin, bakit nga ba hindi ka dumalaw at ipakita ang bata sa kanyang grandparents?

Maaari mo sigurong itanong sa bata kung gusto n’yang makita ang mga ito (lola and lolo) and then you can decide to go or not? I’m sure the grandparents will be happy to see your kid.

Show this as a gesture of respect and courtesy for old times sake especially kung maganda naman ang naging relationship mo with them kahit papaano.

Sa isang banda, kung nandoon ang ex mo, awkward nga naman. Maybe just opt for a short and quick visit? Maybe you can just drop by for a few minutes and politely tell your ex in-laws that you have to leave – maybe tell them that you have somewhere to go to. I’m sure they will understand.

Sabi nga, be a blessing to others!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sending you all my love! Mwaaah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending